CLOUD 9

-dont worry, be happy-

Blogger Templates by Blogcrowds

Mga Bata nga Naman

Saturday, April 16, 2011
linggo, tumatambay sa bahay ng lola ko at nakikisabay sa kanyang classic soundtrip.

ito ang masarap basta summer, chillax lang ng chillax basta weekends. isip ko pa rin kasi parang estudyante pa talaga. minsan nga napapagkamalan pa nga akong estudyante. naks! nakakataba naman ng puso pero hindi ko na tinatanong kung bakit mukhang estudyante pa ako, basta yun na yun. sa panahong din ito umuuwi mga pamangkin ko para magbakasyon dito sa bahay ng lola namin. isa na yan sa mga dahilan kung bakit mahilig akong tumambay dito. nasisiyahan kasi akong makipag-usap sa mga pamangkin ko. oo, kahit 3 years old pa, kinakausap ko. totoo kasi yung mga sinasabi nila. nawawala ang problema ko sa tuwing naririnig ko mga kwento nila, wala kasi silang mga kinu-kwentong mga problema, lahat positive vibes, lahat masaya. parang ako si wendy at sila ang peter pan.

syempre minsan chini-check (di ko alam tagalog nito) mga ugali nila. iba na kasi mga kabataan ngayon kaya palagi kong pinagsasabihan sa pagiging magalang. sa tuwing kakausap sa mas matanda, dapat may address. kung sa tagalog, may po at opo, sa amin naman mga bisaya, hindi mwawala yung address. halimbawa, pag tatanungin ng erpat kung san nanggaling. dapat ang sagot ay may papa sa huli: didto ilang lola Pa (doon po kina lola po). mga simpleng bagay yan na dapat itanim sa puso at utak sa mga bata.

ang asal o ugali ang pinaka-importante na tignan sa isang tao, hindi ang mukha nito o estado sa buhay. Apir.


summer.. sunburn (my oh my)

Sunday, April 3, 2011
hindi ko alam pero sa tuwing paparating ang summer, ang saya saya na ng pakiramdam ko (yung parang batang binilhan ng lobo ni ermat na pakiramdam). kaso nga lang hindi ko namamalayan na nagkaka-sunburn na pala ako. yikes!

grade school pa ako noon nung huli akong nagka-sunburn. hindi kasi ako takot sa sikat ng araw. kaya sa tuwing nag-swi-swimming beach kami, ako palagi yung nauuna at nahuhuling umaalis sa dagat. langoy at babad... sarap ng pakiramdam. umiiba lang ang mood ko kung nararamdaman ko na ang sunburn na umaatake sa akin.

sunburn. isang epekto kung matagal kang nagbabad sa sikat ng araw. alam mong nagkakaroon kana nito kung parang sinusunog na ang balat mo. magkakaroon ka rin nito kung hindi ka makikinig sa nanay mo at susulong ka agad sa sikat ng araw na walang sunblock.

mabuti nalang at may remedy nito. pumili ka lang sa baba kung san mo mas feel:

ICE CUBES. kumuha ka ng maliit na tuwalya at ilagay dito ang ice cubes. tapos ilagay ito sa may sunburn na part

ALOE VERA. swerte ka kung may tanim kayo nito, hindi mo na kelangang pumunta pa sa kapit-bahay at hahabulin ng aso. ipahid lang ang jelly nito sa parte na may sunburn.

COOL BATH. maligo ka. solb.


kaya mga kids, hinay-hinay lang sa pagbabad sa init.

Happy Summer, good vibes parati kahit medjo mahapdi sunburn ko! apir!

street food: TOKNENENG *sarap!*

Saturday, March 26, 2011
AKO: Manong, bakit kwek-kwek ang tawag ng pagkaing ito? (manong, nganong kwek-kwek man ang tawag ani nga pagkaon?)

TOKNENENG MASTERCHEF:ahh actually, hindi naman talaga kwek-kewk ang tawag nito, tokneneng kasi itlog sa manok ang ginagamit. KWEK_KWEK para yun sa mga pugo at diba yun ang naririning sa kanila.. KWEK-KWEK? (ahh actually, dili man gyud kwek-kwek ang tawag ani, tokneneng man gyud. kwek-kwek kay mao tong sa pugo o quail. dayon kwek-kwek ang tawag kay diba mao man na ang sound madunggan sa ila.. KWEK_KWEK?)

AKO: ahhhhhhhhh.... (*bulong sa sarili* bakit KWEK-KWEK? hindi kaya QUACK QUACK?)

dehins ko hilig ang kumain ng itlog. natatakot kasi akong tumaba pa at dumami pa ang pimples sa mukha ko... - ganyan ako ka-arte noon sa pagkain. geek kasi ako at kinareer ko 'toh noon kasi pati mukha ko at pagdadamit, tipong geek talaga. maraming pimples, mataba at mahilig magbasa. umiba lang ng konti pagdating ko sa kolehiyo, medjo kasi pumayat na ako at nawala na ang rice paddy sa mukha ko.

nung nakaraang linggo, niyaya ako ng mga estudyante kong kumain ng hapunan.huling linggo na sa buwan kaya ubos na ang pera ko noon at lalo na sa mga estudyante. kaya naisipan naming kumain nalang ng kwek-kwek o tokneneng. ang tokneneng pala ay isang street food na sikat sa pinas dahil bukod sa masarap na, mura pa. tiyak mag-eenjoy ang buong pamilya.

simple lang pagawa nito, mag-boil lang ng itlog tapos tabunan ito ng orange na dough at ilagay sa bumubukal na mantika at pag wala na yung lagkit at medjo malutong na yun dough, ok nang kunin. voila, may tokneneng kana!

P.S.pwede itong gawan ng side dish na pipino na may halong maanghang na suka.



Takbuhan Na!

Saturday, March 19, 2011
"Takbo KRISTINA takbo!" mga salitang di ko malilumutan.

Limitado lang ang mga laro na pwede sakin nung bata pa ako, hikain kasi ako kaya sa tuwing niyayaya na ako ng mga kapatid ko at mga pinsan kong maglaro, di mwawala ang towelette na inilalagay sa likuran ko. Pagdating ko sa high school, nagkaroon ng marathon sa intramurals namin. cheerer lang talaga ako noon, minsan water girl at kanchawera (oops!). Pero nung naging sophie ako, nagkaroon ng scarcity ata sa mga runners at biglang tinawag ako ng geometry teacher namin. Kinabahan ako noon, lider pa naman ako sa mga kanchaw pero sabi lang pala niya pag sumali daw ako sa mga runners, may plus points daw sa geometry. Saktong sakto ang timing, tagilid grade ko noon sa kanya. Kaya yun, napasubo na kaya sumali.sa kabutihang palad, hindi ako inatake ng hika. ang ending? secret.

Pagkatapos ng halos isang dekada, inimbita ako ng kasama ko sa opisina na sumali sa fun run sa lugar namin. alanganin ako sa simula kasi wala akong ensayo. napi-picture ko na kasi na hihimatayin ako at palilibutan ng maraming tao. ayoko nun pero dahil sa sobrang pagpilit at dahil na rin sa may souvenir, sumali ako. why not sabi ko sa sarili ko, matry nga.

Unang beses ko yun sumali sa fun run. ang experience? sobrang saya. and daming kiddies at mga adults! nagkaroon ako ng mga bagong kebigan (mostly kids) at tsaka may natunan ako: wag matakot na mag-baka sakali, sayang ang pagkakataon. Naks!

Finals na ba?

Thursday, March 10, 2011
Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!).” – B.O.

Marso... ang pressure cooker month sa mga estudyante. Dito malalaman kung makakakuha ba ng diploma ang mga graduating students at nag-cra-cramming ang iba sa paghanda sa final exams. Aaminin ko, nagiging senti ako pag dumarating ang buwang ito nung estudyante pa ako. Senti dahil napapaiyak ako kung ano ang uunahin kong tapusin na requirement sa school, mapa-academic man o extra kuri-kuri.

Ngayong nagtratrabaho na ako, nakakamiss ung pakiramdam ng pagiging senti este ung busy sa school requirements. Iba kasi yung thrill sa paghihintay sa paglabas ng school grades! Kaya palagi kong sinasabi sa mga estudyante ko, “kahit nakakapagod o nakakatamad, mag-enjoy kayo sa pag-aaral nyo, mamimiss nyo yan.”

Kaya sa lahat na mga estudyante, good luck sa exams. Ok lang maging pressured basta tuloy lang sa pag-enjoy sa pag-aaral.

ang weird ng pakiramdam

Thursday, March 3, 2011
time check: 2:30 AM. kararating lang namin at dahil nakatulog ako sa byahe, hindi na naman ako tinatamaan ng antok.

naranasan nyo na ba yung pakiramdam na pinaka-ayaw mo? yung alien na feeling? di mo trip pero nararamdaman mo lang? di ko alam kung bakit nararanasan ito ng tao pero sabi nila ang ibig sabihin lang daw nito ay may care ka pala sa mga bagay-bagay. naks!

nung late teenage years ko, may isang lugar talaga akong gustong gustong puntahan. naging isa nga yun sa mga inspirasyon ko na sumikap at mag-aral ng mabuti. walang araw ang lumipas na hindi ko ito inisip hanggang sa dumating ang araw na pinagbigyan ako ng Diyos na makapunta doon. pero nung pumunta ako, hindi kasiyahan kundi kalungkutan ang naramdaman ko.naging iba yung resulta sa iniisip ko. mabuti nalang may malapit na convenience store sa tinutulugan ko at nakabili ako ng ice cream, pampa-iwas negative vibes.

buhay talaga o, ang weird.


Ikaw ba ay isang EDSA baby? (EDSA @ 25)

Thursday, February 24, 2011
7:30 AM, umalis ako sa bahay sabay tiwala sa sarili na hindi pa ako mala-late. 7:50 AM, stranded sa traffic ngunit hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa na aabot sa destinasyon ko on time. “EDSA parade,” sabi ng isang traffic enforcer. Hindi na mapakali kaya bumaba ako sa jeep at naglakad sa kanto sa paniniwala na may masasakyan ako dun patungong opisina. Pero linsyak! ang hindi ko inakala ay ang pabago-bagong route. “Hindi pwede dito miss, dun sa ibang kanto.” “wala dito, doon sa kabila miss, may masasakyan ka doon.” sabi ng mga traffic enforcer. Para lang naman akong laboratory rat na naghahanap ng exit sa maze kanina. Ang ending.. 2 minutes late…2 minutes.

Ika 25 ng Pebrero,1986, Rebolusyon sa EDSA. Ang EDSA (Epifanio de los Santos Avenue ( pronounced ed-sah)) ay isang high way na kung san naganap ang makasaysayang pangyayari sa Pinas. At dahil sa kasikatan nito, may sequel o EDSA dos. May mga tinatawag pa nga noong EDSA babies. Nabasa ko kanina sa Philippine Daily Inquirer na ang EDSA baby ay tumutukoy sa mga Pinoy na isinilang sa panahon ng EDSA revolution. Siguro kung nandoon talaga ako sa pangyayari, bukod sa pagkanta ng pagka-isa, abala din siguro akong kumukuha ng mga litrato ng mga tanke de Guerra at nakasuot ng “People Power” shirt. Hippie ang dating, Astig! Balik tayo sa seryosong usapan, tunay ngang nagka-isa ang lahat ng mga pinoy sa mga panahong yun. Demokrasya, yan ang nakamit ng mga Pinoy nung EDSA 1 at pinalitan ni Pangulong Cory si Marcos bilang pangulo ng Pinas. Pero iba naman ang twist ng Edsa dos. Dahil sa korupsyon ng isang pangulo, na-italsik siya sa kanyang posisyon. “Impits Erap Impits! (impeach Erap impeach),” sabi ng mga bata sa telebisyon nun habang nagwewelga ang iba sa Maynila. At muling nakamit ng mga tao ang kanilang adhikain, napalitan nga ang presidente.

Kung iisiping maigi, pwede naman talagang magkaisa ang lahat ng mga Pinoy. Diba nakamit natin lahat ng ating adhikain nung nagkaisa ang lahat. Nagawa nga natin toh dati, bt hindi pwede ngayon? Kung magkaisa kaya tayo ulit ngayon patungong pagbabago, makamit kaya natin ang pag-unlad ng ating bansa?

Dalawampu't limang taon na ang nakalipas matapos mangyari ang rebolusyon sa EDSA. Bangon mahal kong Pinas, tuloy pa rin ang laban!