Blogger Templates by Blogcrowds

Ikaw ba ay isang EDSA baby? (EDSA @ 25)

Thursday, February 24, 2011
7:30 AM, umalis ako sa bahay sabay tiwala sa sarili na hindi pa ako mala-late. 7:50 AM, stranded sa traffic ngunit hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa na aabot sa destinasyon ko on time. “EDSA parade,” sabi ng isang traffic enforcer. Hindi na mapakali kaya bumaba ako sa jeep at naglakad sa kanto sa paniniwala na may masasakyan ako dun patungong opisina. Pero linsyak! ang hindi ko inakala ay ang pabago-bagong route. “Hindi pwede dito miss, dun sa ibang kanto.” “wala dito, doon sa kabila miss, may masasakyan ka doon.” sabi ng mga traffic enforcer. Para lang naman akong laboratory rat na naghahanap ng exit sa maze kanina. Ang ending.. 2 minutes late…2 minutes.

Ika 25 ng Pebrero,1986, Rebolusyon sa EDSA. Ang EDSA (Epifanio de los Santos Avenue ( pronounced ed-sah)) ay isang high way na kung san naganap ang makasaysayang pangyayari sa Pinas. At dahil sa kasikatan nito, may sequel o EDSA dos. May mga tinatawag pa nga noong EDSA babies. Nabasa ko kanina sa Philippine Daily Inquirer na ang EDSA baby ay tumutukoy sa mga Pinoy na isinilang sa panahon ng EDSA revolution. Siguro kung nandoon talaga ako sa pangyayari, bukod sa pagkanta ng pagka-isa, abala din siguro akong kumukuha ng mga litrato ng mga tanke de Guerra at nakasuot ng “People Power” shirt. Hippie ang dating, Astig! Balik tayo sa seryosong usapan, tunay ngang nagka-isa ang lahat ng mga pinoy sa mga panahong yun. Demokrasya, yan ang nakamit ng mga Pinoy nung EDSA 1 at pinalitan ni Pangulong Cory si Marcos bilang pangulo ng Pinas. Pero iba naman ang twist ng Edsa dos. Dahil sa korupsyon ng isang pangulo, na-italsik siya sa kanyang posisyon. “Impits Erap Impits! (impeach Erap impeach),” sabi ng mga bata sa telebisyon nun habang nagwewelga ang iba sa Maynila. At muling nakamit ng mga tao ang kanilang adhikain, napalitan nga ang presidente.

Kung iisiping maigi, pwede naman talagang magkaisa ang lahat ng mga Pinoy. Diba nakamit natin lahat ng ating adhikain nung nagkaisa ang lahat. Nagawa nga natin toh dati, bt hindi pwede ngayon? Kung magkaisa kaya tayo ulit ngayon patungong pagbabago, makamit kaya natin ang pag-unlad ng ating bansa?

Dalawampu't limang taon na ang nakalipas matapos mangyari ang rebolusyon sa EDSA. Bangon mahal kong Pinas, tuloy pa rin ang laban!




0 comments:

Post a Comment