Ang sarap ng ampalaya...pag may pares na coke. Sa lahat siguro ng klase ng gulay, ang ampalaya ang pinaka _________ (fill in the blank).
Bakit nga ba ito ang topic ko ngayon? simple, yan lang naman ang ulam namin kaninang tanghali. Gulay eater ako pero ewan ko nga ba pero nachachallenge talaga ako pag ampalaya na ang inihahanda sa lamesa. Kung nakita niyo siguro kaming magpi-pinsan kumain kanina, matatawa kayo. hinati-hati lang naman namin ang isang litrong coke para hindi malasahan ang kapangyarihan ng ampalaya. Bawat subo, inom agad ng coke. Solb! Sabi ng erpat ko may style daw sa pagluto para hindi maging mapait ang ampalaya. ibang style siguro ang ginamit ng manong namin, lasang lasa ko ang pait eh. wala siguro sa mood pero ayos lang naman, nagpapasalamat pa rin kami dahil may pagkain na inihanda.
Pero alam nyo ba na kung gaano kalupit ang pait ampalaya, ganun din katindi ang kapangyarihan nito sa panggagamot. Ayon sa mga studies, ang ampalaya (bitter gourd sa ingles) ay nakapagagaling ng diabetes, blood and respiratory disorders at pati na rin cholera. ayos!
o ano, ampalaya shake tayo? libre ko!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment