If 34 will ask 21, will 24 be 7? sure 23?
Habang pa-uwi ako kanina, nakasalubong ko ang pinsan kong Math kilabot. Sa lahat naming mag-pinsan, tatlo lang sila ang biniyaan ng katalinuhan sa math. Ginutom siguro sa kakasolve kaya inimbita akong mag-meryenda. Hindi naman ako busy sa panahong yun, paligoy-ligoy lang sa eskwelahan at umuulan, tinanggap ko imbitasyon niya. Namiss siguro ako ng pinsan ko (kahit araw araw kaming sabay nanananghalian sa bahay ng lola namin).
Pagkatapos mag-snack, hindi pa rin tumigil ang ulan kaya naisipan kong tumambay muna sa club nila, Brain Teaser’s Club, ang pugad ng mga math genius sa paaralan namin. Pagpasok ko pa lang, feeling ko math genius din ako. Napapalibutan kasi ang buong paligid ng shapes at equations at mga mathematicians at teka, parang nahihilo ako sa mga binanggit ko. “totoo ba ito o panaginip lang?” bt ako naparito? Ano ba ang nahalo dun sa burger ko at naisipan kong tumambay sa lugar na kinahihinaan ko?” Gusto ko na sanang umalis pero no can do, nasa pinaka-gilid ako umupo at ang layo layo ng pintuan. Dumating pa ang coordinator nila at sinimulan ang kanilang meeting. Halos manghina ako sa narinig, ano kamo? Meeting? About math? Nanay ko po.
Gusto ko na sanang patayin pinsan ko sa hindi pagsabi na may meeting pala sila, nagmuka tuloy akong alien doon. Mabuti nalang may dala akong libro ng idol ko, B.O. at kahit ilang beses ko ng nabasa, libang na libang pa rin ako sa pagbasa sa libro. Matapos ang isang dekada, dalawang oras lang pala, natapos din ang kanilang paglilitis este meeting. Ayos! buhay pa rin ako.
Nakakatuwa, minsan kung saan ka hindi kumportable, doon ka naman inilalagay ng Ama. Leksyon? Dapat handa ka sa lahat-lahat ng bagay, acid test lang kasi yan lahat ng Ama kasi alam Niyang kaya mong malampasan lahat ng hamon sa buhay. Kitams?
AMDG.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment