Blogger Templates by Blogcrowds

Forced diet ba kamo?

Saturday, February 12, 2011
Nahihilo. Ito ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko ng ice cream at piattos at tsaka maraming kanin at adobo tapos fried chicken, pinakbet pupwede na rin at at at... oops, di pwede, may mouth o canker sores ako (english para sosyal pakinggan) pero singaw ito sa tagalog. Kahit gusto kong kumain ng maraming marami, mag-papass nalang muna ako kasi sobra naman ang hapdi ang katumbas nito sa bibig ko, syit.

Haka-haka nung unang panahon na nagkakasingaw daw ang tao kasi di raw ito naliligo araw-araw. Asar ako sa haka-haka na yan. Kaya sa tuwing nagkakasingaw ako, palaging may kanchaw na parang ganito ang pagkabi: Kambing kambing! maligo ka kasi araw-araw, kaya ka sinisingaw eh!!!! Gusto ko sanang tadjakan lahat ng mga pinsan at mga kapatid ko sa tuwing naririnig ko yan. Pero di ko nalang iniintindi kasi tao lang ako at tinatamad lang talaga paminsan-minsan pero ang maligo araw-araw ang di ko makakalimutan. Kaya di ko maintindihan kung bakit nagkakasingaw pa rin ako (syit, ang hapdi talaga!). mabuti nalang at ginamit ko pagka-uzi ko at nasagot ang tanong ko.

Ayon sa medicine health magazine, maraming dahilan o sanhi kung bakit nagkakasingaw ang tao. Una ang stress, ito na ata ang pinakatumpak para sakin. Pangalawa, heriditary. Nasa genes pala ang pagiging matakutin sa tubig este ang singaw? Pangatlo, palapit na dalaw, pwede rin. At kung ikaw ay kulang rin sa bitamina. Kitams? Wala namang nagsasabi na dahil sa hindi naliligo..(kontrabida laugh).

O panu, itutulog ko nalang toh, di rin naman ako makakain. Katulad ng problema sa buhay, kahit nakakalungkot, mawawala rin ang singaw na toh at makakain rin ako ulit ng maraming-marami. Positive vibes!


0 comments:

Post a Comment