Blogger Templates by Blogcrowds

Destination: Langit

Saturday, February 19, 2011
Absence in the world is presence with the Lord..Bible passage na sinabi ng erpat ko kanina sa libing ng bestpren niya sa opisina.

Ang pagmano ay isang paraan sa pagrespeto. Nakasanayan na naming magkakapatid na sa tuwing pupunta sa opisina ng erpat namin o kay ermat, dapat kaming mag-mano sa lahat ng mga katrabaho nila. 0o, sa lahat lahat, mga 23 lang naman o 21 na katrabaho kaya para ka na ring naglalaro ng merry go round sa opisina pero cool pa rin(siguro ginagawa niyo rin ‘toh). Lahat ng kaibigan ng erpat ko sa opisina ay malapit sa puso ko at para ko na ring mga pangalawang ama. Present kasi sila sa lahat ng selebrasyon: bertdey ni erpat, christmas party o pagkapanalo nila sa isang paligsahan o simpleng inuman session lang...solid talaga ang pagkakaibigan. Kaya nung sumakabilang buhay si Unkel, parang nawalan rin ako ng kaibigan.

Ang buhay talaga, misteryoso. Hindi mo alam kung kukunin ka na ba ni Lord ngayong araw o next year pa. Bata pa si Unkel (52) pero kinuha na siya. Ika nga nila, pag panahon mo na, panahon mo na talaga. Kaya dapat sulitin natin mga buhay natin. Pag-badtrip, iwas agad at bumangon kung nadapa. Hindi na natin kaya pang ibalik ang nagdaan na panahon.

Uncle Jun, salamat po sa lahat,paki-kamusta po ako sa lolo ko kung magkita kayo dyan sa langit, rest in peace po. –Jinky.

0 comments:

Post a Comment