Lunch break. Umuulan at hindi ako maka-uwi sa bahay ng lola ko kasi wala akong dalang payong. Hindi na ako grade school at basta-basta nalang susulong sa ulan at magmukhang basang sisiw pagdating sa bahay kaya susulat na nalang ako ng blog.
Napansin nyo ba ang panahon ngayon? Uulan tapos sisikat ang araw tapos aambon na naman. Pero kung sa ibang bansa, mas grabe. Hindi lang baha at drought ang naranasan ng mga tao, pati na rin nyebe at iba pa na hindi nararanasan sa mga tropical countries. Scary.
Nung bata pa ako, tinuruan ako ng lolo ko kung uulan ba o hindi sa amin. Sabi niya pag sobrang init daw sa tanghali, sure na ang ulan sa hapon o pag umaambon sa umaga, magdala ka na ng payong . Proven true naman ang sabi nya kaya weder-weder ko nalang din dinadala ang rain coat ko. Ngayon, nakaka-asar na ang panahon, di ko na ma-gets, wa epek na ang turo ni lolo. Sabi ng sikat na CNN news anchor at journalist na si Anderson Cooper, climate change daw ito. Polusyon ay isa sa mga dahilan ng climate change. Alam na natin ito lahat pero aaminin natin na wala pa rin tayong ginawang masyadong aksyon. Kahit ano pang batas ang gawin, wa epek pa rin kung ang tao mismo ay walang pakialam. Harsh pero totoo naman.
Pero di ibig sabihin na wala ng pag-asa, meron pa rin. Maging disiplinado lang tayong lahat, malalabanan natin tong climate change na ‘toh.
O sumikat na si ulit si haring araw, pambihira talaga!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment