Blogger Templates by Blogcrowds

Araw ni Pepe

Wednesday, December 29, 2010
Eto na naman ako, nakatunganga sa PC, nag-iisip kung ano ang gagawin. Bukas New Year’s Eve na pero di ko pa rin lubos maisip na patapos na ang taong ito. Uhmm ayoko munang mag-senti kaya susulat nalang ako tungkol sa Pambansang Chikboy ng Bansa este bayani… bayani pala. Araw nya kasi ngayon. Sa pagkakaalam ko, ngayong petsa daw siya binaril ng mga kastila sa Luneta (December 30). Pero wag kayong agad maniwala sa’kin, baka mapahiya lang kayo pag-ikukwento nyo yan sa barkada nyo.

Kilala nyo naman siguro si Gat Jose Rizal. Hindi? Si Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda nalang, kilala nyo na? game. Imposible naman ata kung di nyo to kilala, eh mula grade 1 pa ata ay bestfriend Johnny na siya ng mga Filipino subjects na guro. nagkaroon pa nga siya ng sarili nyang subject (Rizal and his writings) pagdating sa kolehiyo. Siya yung may pakana sa mga librong Noli Me Tangere at El FIlibusterismo at pati na rin Palibhasa Lalake. Nakakatuwang isipin na hanggang ngayon, kabisado pa rin lahat ng tao o halos lahat si Pepe. Dito ako saludo sa mga guro natin, epektib talaga ang pagturo nila tungkol sa kanya.

Kaninang umaga, nagkaroon ng maikling seremonya sa plaza namin, pagbibigay pugay nga sa ating dakilang Pepe. Hindi ako mahilig pumupunta sa mga ganyang aktibidades pero napasubo eh, iche-check ang attendance. Marami na ang mga tao pagdating ko dun. Mga empleyado sa gobyerno, mga opisyales, at mga boy scouts na tila gusto pang bumalik sa kama at managinip. Ang naging problema ko eh di ko makita mga kasamahan ko, ayoko rin namang magtanong at baka isipin nilang bobo ako sa direksyon kahit totoo. Kaya naki-jampak nalang ako sa ibang opisina. Mga 10 minutes lang yung seremonya pagkatapos nun, may isang intermission number ang brass band sa isa sa mga paaralan dito. Sakto sakto ang timing ng kanta nila, its raining men at talagang umaambon. Di ko alam kung matutuwa ba ako o maawa sa sumasayaw na mga dalagita. Sayaw sila ng sayaw samantalang ang panahon naman ay sumasabay sa kanta. Pagkatapos nun, bumalik na sa kani-kanilang opisina ang mga empleyado. Maikli pero maayos. Sapat na yun, kahit busy ang mga schedule ng mga tao, nabibigyan pa rin ng importansya ang mga bayani natin na naging inspirasyon ng karamihan lalo na sa mga chikboys.

Mabuhay ka Jose Rizal! Break it down.

1 comments:

  1. Jennifer Rose said...

    woooow!sobrang mahal ko ang tagalog mo! Pramis,majalko. :D

    Pwedeng gumaya?LOL :P

    January 6, 2011 at 9:06 PM  

Post a Comment