Blogger Templates by Blogcrowds

Tagalugin mo nga ako!

Tuesday, December 28, 2010


“Tangkilikin ang sariling atin.” Sabi ng mga kaibigan ko, isa daw akong malaking Inglesera kaya di ako marunong mag-tagalegs. Kaya eto na, kahit bakekaw, sumusulat ako ng isang blog na sa pinaka-unang beses ay tagalog. Wala rin kasi akong magawa dito sa bahay.

Ni minsan sa buhay ko, dehins ko naisip na magtatagalog ako ngayon. Tubong Bukidnon kasi ako, ibig sabihin, Bisdak ako o Bisayang Dako at tsaka kinda English-speaking kami sa bahay (naks!) Pero siguro na rin sa impluwensya ng sinuskwela, home along da riles at mga Filipino subjects ko noon sa elementarya, napagtu-unan ko na rin ng pansin ang pagtatagalog. Kaya eto ako ngayon, sumusulat nito at kahit wala pa ring kwenta ang blog na ito, itutuloy ko pa rin. May palabra de honor ata ako.

3rd paragraph na ai teka teka, erase este bura bura bura. Nasa ika-tatlong talata na ako at nag-iisip pa rin kung ano pa ang isusulat ko. Ahhhhh ito nalang, dahil malapit na matapos ang 2010, ikwekwento ko na lang ang magaganda at di masyadong maganda na nangyari sa buhay ko ngayong taon.

Syempre uunahin ko yung masasaya o magandang nangyari kaya eto na, huwag ka ng huminga (biro lang):

Una, pagpasa ko sa isang pagsusulit patungong kaginhawaan. Siguro kung nagtratrabaho ka sa gobyerno na katulad ko, lulundag ka sa saya, pati si erpats, kung malaman mong nakapasa ka. Alam mo na ata ang tinutukoy ko, ang Civil Service Exam (wag nyo na akong pilitin, di ko kayang tagalugin yan). Para sa’kin, ang pagsusulit na yun ang pinakamatindi! Mga ilang buwan din akong nasa bahay lang at mga libro lang ang kausap. At eto pa, nagkita ulit kami ng mortal kong kaaway, si Mamang Mathematics. Alam ng lahat ng kakilala ko na ayoko talaga ng mga numero. Napapamura ako sa tuwing di ko masolb ang isang equation (kahit limang beses ko na nakita ang sagot..shit!). Kung tatanungin nyo naman kung panu ko pinasa yung math subjects ko noong araw, nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko (nagpa-tutor ako sa kanila, di ko magagawa yang iniisip mo!). Kaya eto ang masabi ko sa gustong pumasa, mag-review ka lang ng magreview sabay kinig ng unchained melody.

Pangalawa, pagiging guro. Nasabi ko na to sa nakaraang blog ko, ayos ang maging guro. Pakiramdam ko bata ulit ako. Kahit pumayat ako ng konti, ayos pa rin, mababait naman mga estudyante at hindi nangangagat.

Pangatlo, pagkaroon ng sariling kompyuter. Isa talaga sa mga pangarap ko nung bata pa ako na magkaroon ng PC. Cool daw kasi. Kaya nung nagkatrabaho ko, bukod sa pagtulong sa pag-papa-aral sa mga kapatid ko, naging priyo..preyo…priority ko ang pagbili ng PC! Kaya malaya ako ngayong nagsusurf sa net at sumusulat nito na walang nagsasabing “ station 4, extend ka?”

Pang-apat, pagpunta sa Sinulog. Masaya ako nung nakita ko ang ibat-ibang klaseng Sto. Nino na pinaparada. Bunga siguro to sa pagpa-aral ng mga magulang namin sa mga katolikong paaralan kaya napapa-wow ako sa mga santo. Nakipag-kodakan pa nga ako sa Sto. Nino na nakasalamin, kabarkada ko kasi, studious.. Nerd.

Panglima, paglalakbay o pag-gala. Ewan ko kung tama ba ang pagkabaybay bsta yung parang traveler(naks!). Hilig kong pumunta sa ibat-ibang lugar at makisalamuha sa mga tao (jamming ba). Sabi nga ng Kuya ko, mamamatay daw ako pag hindi ako makapunta sa ibang lugar sa isang buwan . Pero mali si Kuya, mas mamamatay ako kung wala ng tinapay sa mundo!

Tama na sa mga masasaya, sa di naman masyadong masaya…..akin na lang yun, uzi kayo masyado. Pero sa mga bumasa nito, Manigong Bagong Taon sa inyo! Respeto at pagmamahal para sa lahat! Apir!

2 comments:

  1. Anonymous said...

    *smiling* hapi new year din sa'yo.

    December 28, 2010 at 11:03 PM  

  2. Jennifer Rose said...

    weeeeee...manigong bagong taon din,majalko! Matagal-tagal na rin tayong di nagkikita at di nakakapagkwentuhan lalo na sa mga tagaleg na toh! Na-miss kita.na-miss ko yung kakosa ko sa kolehiyo! :D

    Sana magkita tayong muli.Yung wala nang balakid. :*

    January 6, 2011 at 7:39 PM  

Post a Comment