Blogger Templates by Blogcrowds

Ikaw ba ay isang EDSA baby? (EDSA @ 25)

Thursday, February 24, 2011
7:30 AM, umalis ako sa bahay sabay tiwala sa sarili na hindi pa ako mala-late. 7:50 AM, stranded sa traffic ngunit hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa na aabot sa destinasyon ko on time. “EDSA parade,” sabi ng isang traffic enforcer. Hindi na mapakali kaya bumaba ako sa jeep at naglakad sa kanto sa paniniwala na may masasakyan ako dun patungong opisina. Pero linsyak! ang hindi ko inakala ay ang pabago-bagong route. “Hindi pwede dito miss, dun sa ibang kanto.” “wala dito, doon sa kabila miss, may masasakyan ka doon.” sabi ng mga traffic enforcer. Para lang naman akong laboratory rat na naghahanap ng exit sa maze kanina. Ang ending.. 2 minutes late…2 minutes.

Ika 25 ng Pebrero,1986, Rebolusyon sa EDSA. Ang EDSA (Epifanio de los Santos Avenue ( pronounced ed-sah)) ay isang high way na kung san naganap ang makasaysayang pangyayari sa Pinas. At dahil sa kasikatan nito, may sequel o EDSA dos. May mga tinatawag pa nga noong EDSA babies. Nabasa ko kanina sa Philippine Daily Inquirer na ang EDSA baby ay tumutukoy sa mga Pinoy na isinilang sa panahon ng EDSA revolution. Siguro kung nandoon talaga ako sa pangyayari, bukod sa pagkanta ng pagka-isa, abala din siguro akong kumukuha ng mga litrato ng mga tanke de Guerra at nakasuot ng “People Power” shirt. Hippie ang dating, Astig! Balik tayo sa seryosong usapan, tunay ngang nagka-isa ang lahat ng mga pinoy sa mga panahong yun. Demokrasya, yan ang nakamit ng mga Pinoy nung EDSA 1 at pinalitan ni Pangulong Cory si Marcos bilang pangulo ng Pinas. Pero iba naman ang twist ng Edsa dos. Dahil sa korupsyon ng isang pangulo, na-italsik siya sa kanyang posisyon. “Impits Erap Impits! (impeach Erap impeach),” sabi ng mga bata sa telebisyon nun habang nagwewelga ang iba sa Maynila. At muling nakamit ng mga tao ang kanilang adhikain, napalitan nga ang presidente.

Kung iisiping maigi, pwede naman talagang magkaisa ang lahat ng mga Pinoy. Diba nakamit natin lahat ng ating adhikain nung nagkaisa ang lahat. Nagawa nga natin toh dati, bt hindi pwede ngayon? Kung magkaisa kaya tayo ulit ngayon patungong pagbabago, makamit kaya natin ang pag-unlad ng ating bansa?

Dalawampu't limang taon na ang nakalipas matapos mangyari ang rebolusyon sa EDSA. Bangon mahal kong Pinas, tuloy pa rin ang laban!




Ampalaya? Kung matamis ka lang sana.

Monday, February 21, 2011
Ang sarap ng ampalaya...pag may pares na coke. Sa lahat siguro ng klase ng gulay, ang ampalaya ang pinaka _________ (fill in the blank).

Bakit nga ba ito ang topic ko ngayon? simple, yan lang naman ang ulam namin kaninang tanghali. Gulay eater ako pero ewan ko nga ba pero nachachallenge talaga ako pag ampalaya na ang inihahanda sa lamesa. Kung nakita niyo siguro kaming magpi-pinsan kumain kanina, matatawa kayo. hinati-hati lang naman namin ang isang litrong coke para hindi malasahan ang kapangyarihan ng ampalaya. Bawat subo, inom agad ng coke. Solb! Sabi ng erpat ko may style daw sa pagluto para hindi maging mapait ang ampalaya. ibang style siguro ang ginamit ng manong namin, lasang lasa ko ang pait eh. wala siguro sa mood pero ayos lang naman, nagpapasalamat pa rin kami dahil may pagkain na inihanda.

Pero alam nyo ba na kung gaano kalupit ang pait ampalaya, ganun din katindi ang kapangyarihan nito sa panggagamot. Ayon sa mga studies, ang ampalaya (bitter gourd sa ingles) ay nakapagagaling ng diabetes, blood and respiratory disorders at pati na rin cholera. ayos!

o ano, ampalaya shake tayo? libre ko!

Destination: Langit

Saturday, February 19, 2011
Absence in the world is presence with the Lord..Bible passage na sinabi ng erpat ko kanina sa libing ng bestpren niya sa opisina.

Ang pagmano ay isang paraan sa pagrespeto. Nakasanayan na naming magkakapatid na sa tuwing pupunta sa opisina ng erpat namin o kay ermat, dapat kaming mag-mano sa lahat ng mga katrabaho nila. 0o, sa lahat lahat, mga 23 lang naman o 21 na katrabaho kaya para ka na ring naglalaro ng merry go round sa opisina pero cool pa rin(siguro ginagawa niyo rin ‘toh). Lahat ng kaibigan ng erpat ko sa opisina ay malapit sa puso ko at para ko na ring mga pangalawang ama. Present kasi sila sa lahat ng selebrasyon: bertdey ni erpat, christmas party o pagkapanalo nila sa isang paligsahan o simpleng inuman session lang...solid talaga ang pagkakaibigan. Kaya nung sumakabilang buhay si Unkel, parang nawalan rin ako ng kaibigan.

Ang buhay talaga, misteryoso. Hindi mo alam kung kukunin ka na ba ni Lord ngayong araw o next year pa. Bata pa si Unkel (52) pero kinuha na siya. Ika nga nila, pag panahon mo na, panahon mo na talaga. Kaya dapat sulitin natin mga buhay natin. Pag-badtrip, iwas agad at bumangon kung nadapa. Hindi na natin kaya pang ibalik ang nagdaan na panahon.

Uncle Jun, salamat po sa lahat,paki-kamusta po ako sa lolo ko kung magkita kayo dyan sa langit, rest in peace po. –Jinky.

Pambihirang Climate Change o!

Wednesday, February 16, 2011
Lunch break. Umuulan at hindi ako maka-uwi sa bahay ng lola ko kasi wala akong dalang payong. Hindi na ako grade school at basta-basta nalang susulong sa ulan at magmukhang basang sisiw pagdating sa bahay kaya susulat na nalang ako ng blog.

Napansin nyo ba ang panahon ngayon? Uulan tapos sisikat ang araw tapos aambon na naman. Pero kung sa ibang bansa, mas grabe. Hindi lang baha at drought ang naranasan ng mga tao, pati na rin nyebe at iba pa na hindi nararanasan sa mga tropical countries. Scary.

Nung bata pa ako, tinuruan ako ng lolo ko kung uulan ba o hindi sa amin. Sabi niya pag sobrang init daw sa tanghali, sure na ang ulan sa hapon o pag umaambon sa umaga, magdala ka na ng payong . Proven true naman ang sabi nya kaya weder-weder ko nalang din dinadala ang rain coat ko. Ngayon, nakaka-asar na ang panahon, di ko na ma-gets, wa epek na ang turo ni lolo. Sabi ng sikat na CNN news anchor at journalist na si Anderson Cooper, climate change daw ito. Polusyon ay isa sa mga dahilan ng climate change. Alam na natin ito lahat pero aaminin natin na wala pa rin tayong ginawang masyadong aksyon. Kahit ano pang batas ang gawin, wa epek pa rin kung ang tao mismo ay walang pakialam. Harsh pero totoo naman.

Pero di ibig sabihin na wala ng pag-asa, meron pa rin. Maging disiplinado lang tayong lahat, malalabanan natin tong climate change na ‘toh.

O sumikat na si ulit si haring araw, pambihira talaga!

Balentayms day (limited edition)

Monday, February 14, 2011
“mahal kita, maging sino ka man” ... isang linya sa hit na soap opera sa Pinas. Cheesy? Oo pero patok pa rin sa mga puso ng mga pinoy kahit alam na alam na ang ending. Nakakarelate siguro kaya sa tuwing may bagong soap opera, hindi pwedeng hindi manood si nanay o si ate. Sa hindi po nakakaalam, soap operas ang tawag sa mga programa na yan kasi sabon ang nag-spo-sponsor.

Mapagmahal...=maasikaso..malambing... yan palagi ang trademark ng mga pinoy. Pero hindi ako naniniwala na pinoy lang ang may katangian na yan. Lahat ng tao sa mundo mapagmahal, minsan nga lang hindi tao ang mahal kundi ibang bagay. Pwedeng aso, halaman, aso ulit. sa hindi nakaka-alam ulit, santo po yan si Valentine.

Ang pinagtataka ko lang eh, bakit hinihintay pa ng mga tao ang valentines day para ipakita ang pagmamahal nila? Diba mas maganda kung araw araw mong ipakita o ipadama sa minamahal mo na sinisinta mo siya (redundant ata). Mas ayos manirahan sa mundo kung pagmamahal ang ipinapakita hindi away o krimen. Kung iisipin natin, turo ni Ama na dapat magmahalan , hindi magsuntukan o magsabunutan ng buhok.

Kung alam mo ang title ng soap opera na binanggit ko sa intro, pls text title(space)answer and send to 143555. Maari kang manalo ng load. Clue: uhmm polgoso.



Forced diet ba kamo?

Saturday, February 12, 2011
Nahihilo. Ito ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko ng ice cream at piattos at tsaka maraming kanin at adobo tapos fried chicken, pinakbet pupwede na rin at at at... oops, di pwede, may mouth o canker sores ako (english para sosyal pakinggan) pero singaw ito sa tagalog. Kahit gusto kong kumain ng maraming marami, mag-papass nalang muna ako kasi sobra naman ang hapdi ang katumbas nito sa bibig ko, syit.

Haka-haka nung unang panahon na nagkakasingaw daw ang tao kasi di raw ito naliligo araw-araw. Asar ako sa haka-haka na yan. Kaya sa tuwing nagkakasingaw ako, palaging may kanchaw na parang ganito ang pagkabi: Kambing kambing! maligo ka kasi araw-araw, kaya ka sinisingaw eh!!!! Gusto ko sanang tadjakan lahat ng mga pinsan at mga kapatid ko sa tuwing naririnig ko yan. Pero di ko nalang iniintindi kasi tao lang ako at tinatamad lang talaga paminsan-minsan pero ang maligo araw-araw ang di ko makakalimutan. Kaya di ko maintindihan kung bakit nagkakasingaw pa rin ako (syit, ang hapdi talaga!). mabuti nalang at ginamit ko pagka-uzi ko at nasagot ang tanong ko.

Ayon sa medicine health magazine, maraming dahilan o sanhi kung bakit nagkakasingaw ang tao. Una ang stress, ito na ata ang pinakatumpak para sakin. Pangalawa, heriditary. Nasa genes pala ang pagiging matakutin sa tubig este ang singaw? Pangatlo, palapit na dalaw, pwede rin. At kung ikaw ay kulang rin sa bitamina. Kitams? Wala namang nagsasabi na dahil sa hindi naliligo..(kontrabida laugh).

O panu, itutulog ko nalang toh, di rin naman ako makakain. Katulad ng problema sa buhay, kahit nakakalungkot, mawawala rin ang singaw na toh at makakain rin ako ulit ng maraming-marami. Positive vibes!


Anak ng scientific calculator!

Monday, February 7, 2011
If 34 will ask 21, will 24 be 7? sure 23?

Habang pa-uwi ako kanina, nakasalubong ko ang pinsan kong Math kilabot. Sa lahat naming mag-pinsan, tatlo lang sila ang biniyaan ng katalinuhan sa math. Ginutom siguro sa kakasolve kaya inimbita akong mag-meryenda. Hindi naman ako busy sa panahong yun, paligoy-ligoy lang sa eskwelahan at umuulan, tinanggap ko imbitasyon niya. Namiss siguro ako ng pinsan ko (kahit araw araw kaming sabay nanananghalian sa bahay ng lola namin).

Pagkatapos mag-snack, hindi pa rin tumigil ang ulan kaya naisipan kong tumambay muna sa club nila, Brain Teaser’s Club, ang pugad ng mga math genius sa paaralan namin. Pagpasok ko pa lang, feeling ko math genius din ako. Napapalibutan kasi ang buong paligid ng shapes at equations at mga mathematicians at teka, parang nahihilo ako sa mga binanggit ko. “totoo ba ito o panaginip lang?” bt ako naparito? Ano ba ang nahalo dun sa burger ko at naisipan kong tumambay sa lugar na kinahihinaan ko?” Gusto ko na sanang umalis pero no can do, nasa pinaka-gilid ako umupo at ang layo layo ng pintuan. Dumating pa ang coordinator nila at sinimulan ang kanilang meeting. Halos manghina ako sa narinig, ano kamo? Meeting? About math? Nanay ko po.

Gusto ko na sanang patayin pinsan ko sa hindi pagsabi na may meeting pala sila, nagmuka tuloy akong alien doon. Mabuti nalang may dala akong libro ng idol ko, B.O. at kahit ilang beses ko ng nabasa, libang na libang pa rin ako sa pagbasa sa libro. Matapos ang isang dekada, dalawang oras lang pala, natapos din ang kanilang paglilitis este meeting. Ayos! buhay pa rin ako.

Nakakatuwa, minsan kung saan ka hindi kumportable, doon ka naman inilalagay ng Ama. Leksyon? Dapat handa ka sa lahat-lahat ng bagay, acid test lang kasi yan lahat ng Ama kasi alam Niyang kaya mong malampasan lahat ng hamon sa buhay. Kitams?

AMDG.

Praning ka talaga!

Saturday, February 5, 2011
Sabado, umuulan at nag-iisip kung anong magandang panoorin sa tv. Pero bago yan, may ikwekwento muna ako.

MEMORY CARD LOCKED- ito ang nakita ko sa LCD ng camera ko nung naisipan kong mag-kodak moment nung nakaraang araw. Ang ibig sabihin nga pala ng LCD sa camera ay Liquid Crystal Display, hindi Least Common Denominator. Balik tayo sa kwento, nung nakita ko nga yun, as usual, agad akong nagpanic na parang maliit na batang nabasag ang antique na kagamitan sa bahay. Parang may continuation kasi ang pagkasabi. MEMORY CARD LOCKED, LAGOT KA SA TATAY MO! …. Linsyak! Yun ang mga salitang paligoy ligoy sa isipan ko habang inaayos ang camera settings. Sa awa ng Diyos, naayos ko rin naman at itinuloy ang kodakan.

May mga pagkakataon talaga sa buhay natin na hindi natin maiiwasang maging praning. Natural lang yan kung tao ka. Halimbawa, nakita ng isang nanay na nadapa ang anak niya. Agad yan susugod at tatawagin ang lahat ng santo. Parang ganito: Santo santisima ang anak ko!! Diyos ko, anong nangyari sayo?! Pag nalaman nyang ok lang ang anak, sigurado na ang kasunod na sermon. Ikaw talagang bata ka! Hindi ka nag-iiingat, halika nga rito! sabay kukurutin sa gilid. Pero kahit ganyan, ramdam natin ang pagmamahal ni nanay.

Pangalawang halimbawa: reporting sa klase at nakalimutan mong turno mo na sa araw na yun. Master ako nito, nakakalimutan ko minsan na ako na mag-rereport at nagiging super duper religious ako. Grabe kasi ang pagdadarasal na sana walang klase o bibisita sana sina Susy at Geno o di kaya guguho sana ang classroom ng 30 minutes! At kung magrereport ka nga, para kang nilalamon at namamatay sa mga tingin ng mga kaklase at prof mo sayo!

Nakakatuwa talaga ang mga sandaling yan pero alam mo ba na sa pagiging praning minsan ng isang tao, mararamdaman niyang may saysay ang buhay niya. Kaya ako, hindi ko ikinahihiya na kinakabahan at nagiging praning minsan sa mga bagay bagay lalo na kung importante sa buhay ko. Kaya kung praning ka rin paminsan-minsan, wag mong isipin na ibang tao ka at weird kasi lahat ng tao sa mundo nagkakaroon ng praning moments. Sa mga panahong yan, wag kalimutan na uminom ng tubig, sabi kasi ng Reader’s Digest (naks! bumabasa na pala ako nito!), kinakalma ng tubig ang mga nerves ng tao sa tuwing kinakabahan ito. Kaya uminom ka lang ng tubig. Okims? Pero kung araw araw ka nalang nagiging praning. delikado na yan. Pumunta ka na sa pinakamalapit na rehabilitation center.

Magsisimula na ang pelikula, ishu-shut down ko na muna ang PC at baka mag-oover heat at sasabog. Praning talaga. Cool.