Blogger Templates by Blogcrowds

Araw ni Pepe

Wednesday, December 29, 2010
Eto na naman ako, nakatunganga sa PC, nag-iisip kung ano ang gagawin. Bukas New Year’s Eve na pero di ko pa rin lubos maisip na patapos na ang taong ito. Uhmm ayoko munang mag-senti kaya susulat nalang ako tungkol sa Pambansang Chikboy ng Bansa este bayani… bayani pala. Araw nya kasi ngayon. Sa pagkakaalam ko, ngayong petsa daw siya binaril ng mga kastila sa Luneta (December 30). Pero wag kayong agad maniwala sa’kin, baka mapahiya lang kayo pag-ikukwento nyo yan sa barkada nyo.

Kilala nyo naman siguro si Gat Jose Rizal. Hindi? Si Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda nalang, kilala nyo na? game. Imposible naman ata kung di nyo to kilala, eh mula grade 1 pa ata ay bestfriend Johnny na siya ng mga Filipino subjects na guro. nagkaroon pa nga siya ng sarili nyang subject (Rizal and his writings) pagdating sa kolehiyo. Siya yung may pakana sa mga librong Noli Me Tangere at El FIlibusterismo at pati na rin Palibhasa Lalake. Nakakatuwang isipin na hanggang ngayon, kabisado pa rin lahat ng tao o halos lahat si Pepe. Dito ako saludo sa mga guro natin, epektib talaga ang pagturo nila tungkol sa kanya.

Kaninang umaga, nagkaroon ng maikling seremonya sa plaza namin, pagbibigay pugay nga sa ating dakilang Pepe. Hindi ako mahilig pumupunta sa mga ganyang aktibidades pero napasubo eh, iche-check ang attendance. Marami na ang mga tao pagdating ko dun. Mga empleyado sa gobyerno, mga opisyales, at mga boy scouts na tila gusto pang bumalik sa kama at managinip. Ang naging problema ko eh di ko makita mga kasamahan ko, ayoko rin namang magtanong at baka isipin nilang bobo ako sa direksyon kahit totoo. Kaya naki-jampak nalang ako sa ibang opisina. Mga 10 minutes lang yung seremonya pagkatapos nun, may isang intermission number ang brass band sa isa sa mga paaralan dito. Sakto sakto ang timing ng kanta nila, its raining men at talagang umaambon. Di ko alam kung matutuwa ba ako o maawa sa sumasayaw na mga dalagita. Sayaw sila ng sayaw samantalang ang panahon naman ay sumasabay sa kanta. Pagkatapos nun, bumalik na sa kani-kanilang opisina ang mga empleyado. Maikli pero maayos. Sapat na yun, kahit busy ang mga schedule ng mga tao, nabibigyan pa rin ng importansya ang mga bayani natin na naging inspirasyon ng karamihan lalo na sa mga chikboys.

Mabuhay ka Jose Rizal! Break it down.

Tagalugin mo nga ako!

Tuesday, December 28, 2010


“Tangkilikin ang sariling atin.” Sabi ng mga kaibigan ko, isa daw akong malaking Inglesera kaya di ako marunong mag-tagalegs. Kaya eto na, kahit bakekaw, sumusulat ako ng isang blog na sa pinaka-unang beses ay tagalog. Wala rin kasi akong magawa dito sa bahay.

Ni minsan sa buhay ko, dehins ko naisip na magtatagalog ako ngayon. Tubong Bukidnon kasi ako, ibig sabihin, Bisdak ako o Bisayang Dako at tsaka kinda English-speaking kami sa bahay (naks!) Pero siguro na rin sa impluwensya ng sinuskwela, home along da riles at mga Filipino subjects ko noon sa elementarya, napagtu-unan ko na rin ng pansin ang pagtatagalog. Kaya eto ako ngayon, sumusulat nito at kahit wala pa ring kwenta ang blog na ito, itutuloy ko pa rin. May palabra de honor ata ako.

3rd paragraph na ai teka teka, erase este bura bura bura. Nasa ika-tatlong talata na ako at nag-iisip pa rin kung ano pa ang isusulat ko. Ahhhhh ito nalang, dahil malapit na matapos ang 2010, ikwekwento ko na lang ang magaganda at di masyadong maganda na nangyari sa buhay ko ngayong taon.

Syempre uunahin ko yung masasaya o magandang nangyari kaya eto na, huwag ka ng huminga (biro lang):

Una, pagpasa ko sa isang pagsusulit patungong kaginhawaan. Siguro kung nagtratrabaho ka sa gobyerno na katulad ko, lulundag ka sa saya, pati si erpats, kung malaman mong nakapasa ka. Alam mo na ata ang tinutukoy ko, ang Civil Service Exam (wag nyo na akong pilitin, di ko kayang tagalugin yan). Para sa’kin, ang pagsusulit na yun ang pinakamatindi! Mga ilang buwan din akong nasa bahay lang at mga libro lang ang kausap. At eto pa, nagkita ulit kami ng mortal kong kaaway, si Mamang Mathematics. Alam ng lahat ng kakilala ko na ayoko talaga ng mga numero. Napapamura ako sa tuwing di ko masolb ang isang equation (kahit limang beses ko na nakita ang sagot..shit!). Kung tatanungin nyo naman kung panu ko pinasa yung math subjects ko noong araw, nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko (nagpa-tutor ako sa kanila, di ko magagawa yang iniisip mo!). Kaya eto ang masabi ko sa gustong pumasa, mag-review ka lang ng magreview sabay kinig ng unchained melody.

Pangalawa, pagiging guro. Nasabi ko na to sa nakaraang blog ko, ayos ang maging guro. Pakiramdam ko bata ulit ako. Kahit pumayat ako ng konti, ayos pa rin, mababait naman mga estudyante at hindi nangangagat.

Pangatlo, pagkaroon ng sariling kompyuter. Isa talaga sa mga pangarap ko nung bata pa ako na magkaroon ng PC. Cool daw kasi. Kaya nung nagkatrabaho ko, bukod sa pagtulong sa pag-papa-aral sa mga kapatid ko, naging priyo..preyo…priority ko ang pagbili ng PC! Kaya malaya ako ngayong nagsusurf sa net at sumusulat nito na walang nagsasabing “ station 4, extend ka?”

Pang-apat, pagpunta sa Sinulog. Masaya ako nung nakita ko ang ibat-ibang klaseng Sto. Nino na pinaparada. Bunga siguro to sa pagpa-aral ng mga magulang namin sa mga katolikong paaralan kaya napapa-wow ako sa mga santo. Nakipag-kodakan pa nga ako sa Sto. Nino na nakasalamin, kabarkada ko kasi, studious.. Nerd.

Panglima, paglalakbay o pag-gala. Ewan ko kung tama ba ang pagkabaybay bsta yung parang traveler(naks!). Hilig kong pumunta sa ibat-ibang lugar at makisalamuha sa mga tao (jamming ba). Sabi nga ng Kuya ko, mamamatay daw ako pag hindi ako makapunta sa ibang lugar sa isang buwan . Pero mali si Kuya, mas mamamatay ako kung wala ng tinapay sa mundo!

Tama na sa mga masasaya, sa di naman masyadong masaya…..akin na lang yun, uzi kayo masyado. Pero sa mga bumasa nito, Manigong Bagong Taon sa inyo! Respeto at pagmamahal para sa lahat! Apir!

Confusedly blindfolded. (Is justice really for the wealthy only?)

Wednesday, December 15, 2010
On December 14 2010, majority of the people in the nation sympathized to Lauro Vizconde while others leaped for joy as the Supreme Court acquitted Hubert Webb and his co-accused for the murder of Estrellita, Jennifer, and Carmela Vizconde (who was raped before stabbed to death) in their Paranaque Home back in June 30, 1991.
Confused. The massacre which spurred the media’s attention took place in 1991 and I was still a lil’ girl that time (3 years old to be exact and all I cared was playing with my dolls and pretty much didn’t give a damn about the rest). But still, the whole SC decision sparked my interest do some more reading (duh, it is one of the most gruesome massacres in the Philippine history). The point is, watching and hearing the news just made me confused on which side I should be. For sure, I’m one of those people who sympathizes the lost of Mang Lauro but on the other side, thinking of the 15 years that were stolen from those men (if they really are innocent) was pretty much unfair too.

Blindfolded. Whenever I see that statue of justice (or whatever you call that thing), I wondered why that lady is blindfolded. Then someone told me that the blindfolding part tells us that in order for justice to be served, siding is a big no-no. Hence, people who bring justice should only look or focus on facts. But the way I see things, justice wasn’t really served on both sides. Worst is that the whole stuff made the people blindfolded from the real thing. I mean, the acquittal of those men brought a lot and I mean a lot of questions to the table like, if Webb and his co-accused are really innocent, who then are the real perpetrators? Where is Jessica Alfaro? (the star witness of the crime), Where’s the maid who did the laundry of Webb’s blood-stained shirt on the night the crime happened? Can justice really be served in this country? Is Alfaro’s testimony really true or was it just one of the results of drugs? These questions can be a basis on how inconsistent our justice system is and it’s sad to know that the SC decision made the public think that the justice system in the country is whack.


Bottom line is, things must be cleared up. I mean, it is DIFFICULT and considering the new set of things that the whole system could face (e.g. double jeopardy) but then again, a reinvestigation of the case will be helpful. This could clear up the system’s image and will surely give peace of mind to both sides (accused and accuser) instead of being confused and blinded from the truth for the rest of their lives. Think about it.