Blogger Templates by Blogcrowds

Mga Bata nga Naman

Saturday, April 16, 2011
linggo, tumatambay sa bahay ng lola ko at nakikisabay sa kanyang classic soundtrip.

ito ang masarap basta summer, chillax lang ng chillax basta weekends. isip ko pa rin kasi parang estudyante pa talaga. minsan nga napapagkamalan pa nga akong estudyante. naks! nakakataba naman ng puso pero hindi ko na tinatanong kung bakit mukhang estudyante pa ako, basta yun na yun. sa panahong din ito umuuwi mga pamangkin ko para magbakasyon dito sa bahay ng lola namin. isa na yan sa mga dahilan kung bakit mahilig akong tumambay dito. nasisiyahan kasi akong makipag-usap sa mga pamangkin ko. oo, kahit 3 years old pa, kinakausap ko. totoo kasi yung mga sinasabi nila. nawawala ang problema ko sa tuwing naririnig ko mga kwento nila, wala kasi silang mga kinu-kwentong mga problema, lahat positive vibes, lahat masaya. parang ako si wendy at sila ang peter pan.

syempre minsan chini-check (di ko alam tagalog nito) mga ugali nila. iba na kasi mga kabataan ngayon kaya palagi kong pinagsasabihan sa pagiging magalang. sa tuwing kakausap sa mas matanda, dapat may address. kung sa tagalog, may po at opo, sa amin naman mga bisaya, hindi mwawala yung address. halimbawa, pag tatanungin ng erpat kung san nanggaling. dapat ang sagot ay may papa sa huli: didto ilang lola Pa (doon po kina lola po). mga simpleng bagay yan na dapat itanim sa puso at utak sa mga bata.

ang asal o ugali ang pinaka-importante na tignan sa isang tao, hindi ang mukha nito o estado sa buhay. Apir.


summer.. sunburn (my oh my)

Sunday, April 3, 2011
hindi ko alam pero sa tuwing paparating ang summer, ang saya saya na ng pakiramdam ko (yung parang batang binilhan ng lobo ni ermat na pakiramdam). kaso nga lang hindi ko namamalayan na nagkaka-sunburn na pala ako. yikes!

grade school pa ako noon nung huli akong nagka-sunburn. hindi kasi ako takot sa sikat ng araw. kaya sa tuwing nag-swi-swimming beach kami, ako palagi yung nauuna at nahuhuling umaalis sa dagat. langoy at babad... sarap ng pakiramdam. umiiba lang ang mood ko kung nararamdaman ko na ang sunburn na umaatake sa akin.

sunburn. isang epekto kung matagal kang nagbabad sa sikat ng araw. alam mong nagkakaroon kana nito kung parang sinusunog na ang balat mo. magkakaroon ka rin nito kung hindi ka makikinig sa nanay mo at susulong ka agad sa sikat ng araw na walang sunblock.

mabuti nalang at may remedy nito. pumili ka lang sa baba kung san mo mas feel:

ICE CUBES. kumuha ka ng maliit na tuwalya at ilagay dito ang ice cubes. tapos ilagay ito sa may sunburn na part

ALOE VERA. swerte ka kung may tanim kayo nito, hindi mo na kelangang pumunta pa sa kapit-bahay at hahabulin ng aso. ipahid lang ang jelly nito sa parte na may sunburn.

COOL BATH. maligo ka. solb.


kaya mga kids, hinay-hinay lang sa pagbabad sa init.

Happy Summer, good vibes parati kahit medjo mahapdi sunburn ko! apir!

street food: TOKNENENG *sarap!*

Saturday, March 26, 2011
AKO: Manong, bakit kwek-kwek ang tawag ng pagkaing ito? (manong, nganong kwek-kwek man ang tawag ani nga pagkaon?)

TOKNENENG MASTERCHEF:ahh actually, hindi naman talaga kwek-kewk ang tawag nito, tokneneng kasi itlog sa manok ang ginagamit. KWEK_KWEK para yun sa mga pugo at diba yun ang naririning sa kanila.. KWEK-KWEK? (ahh actually, dili man gyud kwek-kwek ang tawag ani, tokneneng man gyud. kwek-kwek kay mao tong sa pugo o quail. dayon kwek-kwek ang tawag kay diba mao man na ang sound madunggan sa ila.. KWEK_KWEK?)

AKO: ahhhhhhhhh.... (*bulong sa sarili* bakit KWEK-KWEK? hindi kaya QUACK QUACK?)

dehins ko hilig ang kumain ng itlog. natatakot kasi akong tumaba pa at dumami pa ang pimples sa mukha ko... - ganyan ako ka-arte noon sa pagkain. geek kasi ako at kinareer ko 'toh noon kasi pati mukha ko at pagdadamit, tipong geek talaga. maraming pimples, mataba at mahilig magbasa. umiba lang ng konti pagdating ko sa kolehiyo, medjo kasi pumayat na ako at nawala na ang rice paddy sa mukha ko.

nung nakaraang linggo, niyaya ako ng mga estudyante kong kumain ng hapunan.huling linggo na sa buwan kaya ubos na ang pera ko noon at lalo na sa mga estudyante. kaya naisipan naming kumain nalang ng kwek-kwek o tokneneng. ang tokneneng pala ay isang street food na sikat sa pinas dahil bukod sa masarap na, mura pa. tiyak mag-eenjoy ang buong pamilya.

simple lang pagawa nito, mag-boil lang ng itlog tapos tabunan ito ng orange na dough at ilagay sa bumubukal na mantika at pag wala na yung lagkit at medjo malutong na yun dough, ok nang kunin. voila, may tokneneng kana!

P.S.pwede itong gawan ng side dish na pipino na may halong maanghang na suka.



Takbuhan Na!

Saturday, March 19, 2011
"Takbo KRISTINA takbo!" mga salitang di ko malilumutan.

Limitado lang ang mga laro na pwede sakin nung bata pa ako, hikain kasi ako kaya sa tuwing niyayaya na ako ng mga kapatid ko at mga pinsan kong maglaro, di mwawala ang towelette na inilalagay sa likuran ko. Pagdating ko sa high school, nagkaroon ng marathon sa intramurals namin. cheerer lang talaga ako noon, minsan water girl at kanchawera (oops!). Pero nung naging sophie ako, nagkaroon ng scarcity ata sa mga runners at biglang tinawag ako ng geometry teacher namin. Kinabahan ako noon, lider pa naman ako sa mga kanchaw pero sabi lang pala niya pag sumali daw ako sa mga runners, may plus points daw sa geometry. Saktong sakto ang timing, tagilid grade ko noon sa kanya. Kaya yun, napasubo na kaya sumali.sa kabutihang palad, hindi ako inatake ng hika. ang ending? secret.

Pagkatapos ng halos isang dekada, inimbita ako ng kasama ko sa opisina na sumali sa fun run sa lugar namin. alanganin ako sa simula kasi wala akong ensayo. napi-picture ko na kasi na hihimatayin ako at palilibutan ng maraming tao. ayoko nun pero dahil sa sobrang pagpilit at dahil na rin sa may souvenir, sumali ako. why not sabi ko sa sarili ko, matry nga.

Unang beses ko yun sumali sa fun run. ang experience? sobrang saya. and daming kiddies at mga adults! nagkaroon ako ng mga bagong kebigan (mostly kids) at tsaka may natunan ako: wag matakot na mag-baka sakali, sayang ang pagkakataon. Naks!

Finals na ba?

Thursday, March 10, 2011
Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!).” – B.O.

Marso... ang pressure cooker month sa mga estudyante. Dito malalaman kung makakakuha ba ng diploma ang mga graduating students at nag-cra-cramming ang iba sa paghanda sa final exams. Aaminin ko, nagiging senti ako pag dumarating ang buwang ito nung estudyante pa ako. Senti dahil napapaiyak ako kung ano ang uunahin kong tapusin na requirement sa school, mapa-academic man o extra kuri-kuri.

Ngayong nagtratrabaho na ako, nakakamiss ung pakiramdam ng pagiging senti este ung busy sa school requirements. Iba kasi yung thrill sa paghihintay sa paglabas ng school grades! Kaya palagi kong sinasabi sa mga estudyante ko, “kahit nakakapagod o nakakatamad, mag-enjoy kayo sa pag-aaral nyo, mamimiss nyo yan.”

Kaya sa lahat na mga estudyante, good luck sa exams. Ok lang maging pressured basta tuloy lang sa pag-enjoy sa pag-aaral.

ang weird ng pakiramdam

Thursday, March 3, 2011
time check: 2:30 AM. kararating lang namin at dahil nakatulog ako sa byahe, hindi na naman ako tinatamaan ng antok.

naranasan nyo na ba yung pakiramdam na pinaka-ayaw mo? yung alien na feeling? di mo trip pero nararamdaman mo lang? di ko alam kung bakit nararanasan ito ng tao pero sabi nila ang ibig sabihin lang daw nito ay may care ka pala sa mga bagay-bagay. naks!

nung late teenage years ko, may isang lugar talaga akong gustong gustong puntahan. naging isa nga yun sa mga inspirasyon ko na sumikap at mag-aral ng mabuti. walang araw ang lumipas na hindi ko ito inisip hanggang sa dumating ang araw na pinagbigyan ako ng Diyos na makapunta doon. pero nung pumunta ako, hindi kasiyahan kundi kalungkutan ang naramdaman ko.naging iba yung resulta sa iniisip ko. mabuti nalang may malapit na convenience store sa tinutulugan ko at nakabili ako ng ice cream, pampa-iwas negative vibes.

buhay talaga o, ang weird.


Ikaw ba ay isang EDSA baby? (EDSA @ 25)

Thursday, February 24, 2011
7:30 AM, umalis ako sa bahay sabay tiwala sa sarili na hindi pa ako mala-late. 7:50 AM, stranded sa traffic ngunit hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa na aabot sa destinasyon ko on time. “EDSA parade,” sabi ng isang traffic enforcer. Hindi na mapakali kaya bumaba ako sa jeep at naglakad sa kanto sa paniniwala na may masasakyan ako dun patungong opisina. Pero linsyak! ang hindi ko inakala ay ang pabago-bagong route. “Hindi pwede dito miss, dun sa ibang kanto.” “wala dito, doon sa kabila miss, may masasakyan ka doon.” sabi ng mga traffic enforcer. Para lang naman akong laboratory rat na naghahanap ng exit sa maze kanina. Ang ending.. 2 minutes late…2 minutes.

Ika 25 ng Pebrero,1986, Rebolusyon sa EDSA. Ang EDSA (Epifanio de los Santos Avenue ( pronounced ed-sah)) ay isang high way na kung san naganap ang makasaysayang pangyayari sa Pinas. At dahil sa kasikatan nito, may sequel o EDSA dos. May mga tinatawag pa nga noong EDSA babies. Nabasa ko kanina sa Philippine Daily Inquirer na ang EDSA baby ay tumutukoy sa mga Pinoy na isinilang sa panahon ng EDSA revolution. Siguro kung nandoon talaga ako sa pangyayari, bukod sa pagkanta ng pagka-isa, abala din siguro akong kumukuha ng mga litrato ng mga tanke de Guerra at nakasuot ng “People Power” shirt. Hippie ang dating, Astig! Balik tayo sa seryosong usapan, tunay ngang nagka-isa ang lahat ng mga pinoy sa mga panahong yun. Demokrasya, yan ang nakamit ng mga Pinoy nung EDSA 1 at pinalitan ni Pangulong Cory si Marcos bilang pangulo ng Pinas. Pero iba naman ang twist ng Edsa dos. Dahil sa korupsyon ng isang pangulo, na-italsik siya sa kanyang posisyon. “Impits Erap Impits! (impeach Erap impeach),” sabi ng mga bata sa telebisyon nun habang nagwewelga ang iba sa Maynila. At muling nakamit ng mga tao ang kanilang adhikain, napalitan nga ang presidente.

Kung iisiping maigi, pwede naman talagang magkaisa ang lahat ng mga Pinoy. Diba nakamit natin lahat ng ating adhikain nung nagkaisa ang lahat. Nagawa nga natin toh dati, bt hindi pwede ngayon? Kung magkaisa kaya tayo ulit ngayon patungong pagbabago, makamit kaya natin ang pag-unlad ng ating bansa?

Dalawampu't limang taon na ang nakalipas matapos mangyari ang rebolusyon sa EDSA. Bangon mahal kong Pinas, tuloy pa rin ang laban!




Ampalaya? Kung matamis ka lang sana.

Monday, February 21, 2011
Ang sarap ng ampalaya...pag may pares na coke. Sa lahat siguro ng klase ng gulay, ang ampalaya ang pinaka _________ (fill in the blank).

Bakit nga ba ito ang topic ko ngayon? simple, yan lang naman ang ulam namin kaninang tanghali. Gulay eater ako pero ewan ko nga ba pero nachachallenge talaga ako pag ampalaya na ang inihahanda sa lamesa. Kung nakita niyo siguro kaming magpi-pinsan kumain kanina, matatawa kayo. hinati-hati lang naman namin ang isang litrong coke para hindi malasahan ang kapangyarihan ng ampalaya. Bawat subo, inom agad ng coke. Solb! Sabi ng erpat ko may style daw sa pagluto para hindi maging mapait ang ampalaya. ibang style siguro ang ginamit ng manong namin, lasang lasa ko ang pait eh. wala siguro sa mood pero ayos lang naman, nagpapasalamat pa rin kami dahil may pagkain na inihanda.

Pero alam nyo ba na kung gaano kalupit ang pait ampalaya, ganun din katindi ang kapangyarihan nito sa panggagamot. Ayon sa mga studies, ang ampalaya (bitter gourd sa ingles) ay nakapagagaling ng diabetes, blood and respiratory disorders at pati na rin cholera. ayos!

o ano, ampalaya shake tayo? libre ko!

Destination: Langit

Saturday, February 19, 2011
Absence in the world is presence with the Lord..Bible passage na sinabi ng erpat ko kanina sa libing ng bestpren niya sa opisina.

Ang pagmano ay isang paraan sa pagrespeto. Nakasanayan na naming magkakapatid na sa tuwing pupunta sa opisina ng erpat namin o kay ermat, dapat kaming mag-mano sa lahat ng mga katrabaho nila. 0o, sa lahat lahat, mga 23 lang naman o 21 na katrabaho kaya para ka na ring naglalaro ng merry go round sa opisina pero cool pa rin(siguro ginagawa niyo rin ‘toh). Lahat ng kaibigan ng erpat ko sa opisina ay malapit sa puso ko at para ko na ring mga pangalawang ama. Present kasi sila sa lahat ng selebrasyon: bertdey ni erpat, christmas party o pagkapanalo nila sa isang paligsahan o simpleng inuman session lang...solid talaga ang pagkakaibigan. Kaya nung sumakabilang buhay si Unkel, parang nawalan rin ako ng kaibigan.

Ang buhay talaga, misteryoso. Hindi mo alam kung kukunin ka na ba ni Lord ngayong araw o next year pa. Bata pa si Unkel (52) pero kinuha na siya. Ika nga nila, pag panahon mo na, panahon mo na talaga. Kaya dapat sulitin natin mga buhay natin. Pag-badtrip, iwas agad at bumangon kung nadapa. Hindi na natin kaya pang ibalik ang nagdaan na panahon.

Uncle Jun, salamat po sa lahat,paki-kamusta po ako sa lolo ko kung magkita kayo dyan sa langit, rest in peace po. –Jinky.

Pambihirang Climate Change o!

Wednesday, February 16, 2011
Lunch break. Umuulan at hindi ako maka-uwi sa bahay ng lola ko kasi wala akong dalang payong. Hindi na ako grade school at basta-basta nalang susulong sa ulan at magmukhang basang sisiw pagdating sa bahay kaya susulat na nalang ako ng blog.

Napansin nyo ba ang panahon ngayon? Uulan tapos sisikat ang araw tapos aambon na naman. Pero kung sa ibang bansa, mas grabe. Hindi lang baha at drought ang naranasan ng mga tao, pati na rin nyebe at iba pa na hindi nararanasan sa mga tropical countries. Scary.

Nung bata pa ako, tinuruan ako ng lolo ko kung uulan ba o hindi sa amin. Sabi niya pag sobrang init daw sa tanghali, sure na ang ulan sa hapon o pag umaambon sa umaga, magdala ka na ng payong . Proven true naman ang sabi nya kaya weder-weder ko nalang din dinadala ang rain coat ko. Ngayon, nakaka-asar na ang panahon, di ko na ma-gets, wa epek na ang turo ni lolo. Sabi ng sikat na CNN news anchor at journalist na si Anderson Cooper, climate change daw ito. Polusyon ay isa sa mga dahilan ng climate change. Alam na natin ito lahat pero aaminin natin na wala pa rin tayong ginawang masyadong aksyon. Kahit ano pang batas ang gawin, wa epek pa rin kung ang tao mismo ay walang pakialam. Harsh pero totoo naman.

Pero di ibig sabihin na wala ng pag-asa, meron pa rin. Maging disiplinado lang tayong lahat, malalabanan natin tong climate change na ‘toh.

O sumikat na si ulit si haring araw, pambihira talaga!

Balentayms day (limited edition)

Monday, February 14, 2011
“mahal kita, maging sino ka man” ... isang linya sa hit na soap opera sa Pinas. Cheesy? Oo pero patok pa rin sa mga puso ng mga pinoy kahit alam na alam na ang ending. Nakakarelate siguro kaya sa tuwing may bagong soap opera, hindi pwedeng hindi manood si nanay o si ate. Sa hindi po nakakaalam, soap operas ang tawag sa mga programa na yan kasi sabon ang nag-spo-sponsor.

Mapagmahal...=maasikaso..malambing... yan palagi ang trademark ng mga pinoy. Pero hindi ako naniniwala na pinoy lang ang may katangian na yan. Lahat ng tao sa mundo mapagmahal, minsan nga lang hindi tao ang mahal kundi ibang bagay. Pwedeng aso, halaman, aso ulit. sa hindi nakaka-alam ulit, santo po yan si Valentine.

Ang pinagtataka ko lang eh, bakit hinihintay pa ng mga tao ang valentines day para ipakita ang pagmamahal nila? Diba mas maganda kung araw araw mong ipakita o ipadama sa minamahal mo na sinisinta mo siya (redundant ata). Mas ayos manirahan sa mundo kung pagmamahal ang ipinapakita hindi away o krimen. Kung iisipin natin, turo ni Ama na dapat magmahalan , hindi magsuntukan o magsabunutan ng buhok.

Kung alam mo ang title ng soap opera na binanggit ko sa intro, pls text title(space)answer and send to 143555. Maari kang manalo ng load. Clue: uhmm polgoso.



Forced diet ba kamo?

Saturday, February 12, 2011
Nahihilo. Ito ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko ng ice cream at piattos at tsaka maraming kanin at adobo tapos fried chicken, pinakbet pupwede na rin at at at... oops, di pwede, may mouth o canker sores ako (english para sosyal pakinggan) pero singaw ito sa tagalog. Kahit gusto kong kumain ng maraming marami, mag-papass nalang muna ako kasi sobra naman ang hapdi ang katumbas nito sa bibig ko, syit.

Haka-haka nung unang panahon na nagkakasingaw daw ang tao kasi di raw ito naliligo araw-araw. Asar ako sa haka-haka na yan. Kaya sa tuwing nagkakasingaw ako, palaging may kanchaw na parang ganito ang pagkabi: Kambing kambing! maligo ka kasi araw-araw, kaya ka sinisingaw eh!!!! Gusto ko sanang tadjakan lahat ng mga pinsan at mga kapatid ko sa tuwing naririnig ko yan. Pero di ko nalang iniintindi kasi tao lang ako at tinatamad lang talaga paminsan-minsan pero ang maligo araw-araw ang di ko makakalimutan. Kaya di ko maintindihan kung bakit nagkakasingaw pa rin ako (syit, ang hapdi talaga!). mabuti nalang at ginamit ko pagka-uzi ko at nasagot ang tanong ko.

Ayon sa medicine health magazine, maraming dahilan o sanhi kung bakit nagkakasingaw ang tao. Una ang stress, ito na ata ang pinakatumpak para sakin. Pangalawa, heriditary. Nasa genes pala ang pagiging matakutin sa tubig este ang singaw? Pangatlo, palapit na dalaw, pwede rin. At kung ikaw ay kulang rin sa bitamina. Kitams? Wala namang nagsasabi na dahil sa hindi naliligo..(kontrabida laugh).

O panu, itutulog ko nalang toh, di rin naman ako makakain. Katulad ng problema sa buhay, kahit nakakalungkot, mawawala rin ang singaw na toh at makakain rin ako ulit ng maraming-marami. Positive vibes!


Anak ng scientific calculator!

Monday, February 7, 2011
If 34 will ask 21, will 24 be 7? sure 23?

Habang pa-uwi ako kanina, nakasalubong ko ang pinsan kong Math kilabot. Sa lahat naming mag-pinsan, tatlo lang sila ang biniyaan ng katalinuhan sa math. Ginutom siguro sa kakasolve kaya inimbita akong mag-meryenda. Hindi naman ako busy sa panahong yun, paligoy-ligoy lang sa eskwelahan at umuulan, tinanggap ko imbitasyon niya. Namiss siguro ako ng pinsan ko (kahit araw araw kaming sabay nanananghalian sa bahay ng lola namin).

Pagkatapos mag-snack, hindi pa rin tumigil ang ulan kaya naisipan kong tumambay muna sa club nila, Brain Teaser’s Club, ang pugad ng mga math genius sa paaralan namin. Pagpasok ko pa lang, feeling ko math genius din ako. Napapalibutan kasi ang buong paligid ng shapes at equations at mga mathematicians at teka, parang nahihilo ako sa mga binanggit ko. “totoo ba ito o panaginip lang?” bt ako naparito? Ano ba ang nahalo dun sa burger ko at naisipan kong tumambay sa lugar na kinahihinaan ko?” Gusto ko na sanang umalis pero no can do, nasa pinaka-gilid ako umupo at ang layo layo ng pintuan. Dumating pa ang coordinator nila at sinimulan ang kanilang meeting. Halos manghina ako sa narinig, ano kamo? Meeting? About math? Nanay ko po.

Gusto ko na sanang patayin pinsan ko sa hindi pagsabi na may meeting pala sila, nagmuka tuloy akong alien doon. Mabuti nalang may dala akong libro ng idol ko, B.O. at kahit ilang beses ko ng nabasa, libang na libang pa rin ako sa pagbasa sa libro. Matapos ang isang dekada, dalawang oras lang pala, natapos din ang kanilang paglilitis este meeting. Ayos! buhay pa rin ako.

Nakakatuwa, minsan kung saan ka hindi kumportable, doon ka naman inilalagay ng Ama. Leksyon? Dapat handa ka sa lahat-lahat ng bagay, acid test lang kasi yan lahat ng Ama kasi alam Niyang kaya mong malampasan lahat ng hamon sa buhay. Kitams?

AMDG.

Praning ka talaga!

Saturday, February 5, 2011
Sabado, umuulan at nag-iisip kung anong magandang panoorin sa tv. Pero bago yan, may ikwekwento muna ako.

MEMORY CARD LOCKED- ito ang nakita ko sa LCD ng camera ko nung naisipan kong mag-kodak moment nung nakaraang araw. Ang ibig sabihin nga pala ng LCD sa camera ay Liquid Crystal Display, hindi Least Common Denominator. Balik tayo sa kwento, nung nakita ko nga yun, as usual, agad akong nagpanic na parang maliit na batang nabasag ang antique na kagamitan sa bahay. Parang may continuation kasi ang pagkasabi. MEMORY CARD LOCKED, LAGOT KA SA TATAY MO! …. Linsyak! Yun ang mga salitang paligoy ligoy sa isipan ko habang inaayos ang camera settings. Sa awa ng Diyos, naayos ko rin naman at itinuloy ang kodakan.

May mga pagkakataon talaga sa buhay natin na hindi natin maiiwasang maging praning. Natural lang yan kung tao ka. Halimbawa, nakita ng isang nanay na nadapa ang anak niya. Agad yan susugod at tatawagin ang lahat ng santo. Parang ganito: Santo santisima ang anak ko!! Diyos ko, anong nangyari sayo?! Pag nalaman nyang ok lang ang anak, sigurado na ang kasunod na sermon. Ikaw talagang bata ka! Hindi ka nag-iiingat, halika nga rito! sabay kukurutin sa gilid. Pero kahit ganyan, ramdam natin ang pagmamahal ni nanay.

Pangalawang halimbawa: reporting sa klase at nakalimutan mong turno mo na sa araw na yun. Master ako nito, nakakalimutan ko minsan na ako na mag-rereport at nagiging super duper religious ako. Grabe kasi ang pagdadarasal na sana walang klase o bibisita sana sina Susy at Geno o di kaya guguho sana ang classroom ng 30 minutes! At kung magrereport ka nga, para kang nilalamon at namamatay sa mga tingin ng mga kaklase at prof mo sayo!

Nakakatuwa talaga ang mga sandaling yan pero alam mo ba na sa pagiging praning minsan ng isang tao, mararamdaman niyang may saysay ang buhay niya. Kaya ako, hindi ko ikinahihiya na kinakabahan at nagiging praning minsan sa mga bagay bagay lalo na kung importante sa buhay ko. Kaya kung praning ka rin paminsan-minsan, wag mong isipin na ibang tao ka at weird kasi lahat ng tao sa mundo nagkakaroon ng praning moments. Sa mga panahong yan, wag kalimutan na uminom ng tubig, sabi kasi ng Reader’s Digest (naks! bumabasa na pala ako nito!), kinakalma ng tubig ang mga nerves ng tao sa tuwing kinakabahan ito. Kaya uminom ka lang ng tubig. Okims? Pero kung araw araw ka nalang nagiging praning. delikado na yan. Pumunta ka na sa pinakamalapit na rehabilitation center.

Magsisimula na ang pelikula, ishu-shut down ko na muna ang PC at baka mag-oover heat at sasabog. Praning talaga. Cool.


Umaga sa probinsya

Saturday, January 29, 2011
Malamig (maginaw?), nakikinig ng kantang “gising na” sa paborito kong banda habang nag-jajamming ang mga ibon, at katitimpla ko lang ng kape. Magandang umaga.*ngiti*.

Simple lang ang buhay dito sa probinsya namin. Walang gulo at walang nanggugulo maliban sa akin na ang aga-aga ay nakikisingit na ng wi-fi sa kapit bahay. Sa ayos ng buhay dito, maaga akong nagigising. Nung nasa kolehiyo pa ako, maaga din ako nagigising dahil sa ingay ng kapit bahay. May iba pa na tila nag-aaudition sa Philippine Idol sa walang tigil na pagkanta pa sa video singko. Ang sarap sigawan minsan ng “Hindi ka ba hinahanap ng nanay mo?! Mag-uumaga na!” Kung dito sa probinsya, huni ng ibon, doon naman ay ingay ng mga sasakyan. Apat na taon ko yun naranasan. Sakit sa ulo pero cool pa rin ang buhay.

Balik tayo sa probinsya namin. Kahit nakakatamad minsan bumangon, napapatindig ka talaga sa rami ng alarm clock. Alarm clock number one, si erpat. Siya ang pinaka-maagang gumigising sa bahay. Dalawa lang ang gagawin nya para bumangon ako: i-switch off yung ilaw o kukulitin ka hanggang babangon ka. Epektib yung pangalawa sa akin. Alarm clock number two, si nanay. Kung si tatay makulit, ermat ko naman sobrang lambing. Tatanungin lang ako kung bakit hindi na naman ako papasok sa opisina. Jumping jelly beans! Alam niya kaagad kung wala akong ganang pumasok sa opisina! Mother’s instinct talaga, minsan naiisip ko kung may brain cell sa ina na nag-kokonek sa utak ng anak kaya alam ang lahat. Mamathalamus? At alarm clock number three, si kuya. Sequel si kuya sa kakulitan ni erpat. Kung hindi ako nagising kay tatay, kay kuya sigurado. Minsan i-o-on nya yung radyo ko sa disco level na volume. Kainis pero napapatawa na lang ako at babangon. Talo ako.

Pagkatapos ayusin ang kama, titignan ko yung labas at nagiging instant masaya ako sa salubong ng mga aso ko. Ayos yung pakiramdam sa tuwing lalapitan ka habang kumukulit yung mga buntot nila. Parang sinasabi nilang, “good morning master!! Penge ng tinapay o dog biskwit!”

At yung pinakamaganda sa umaga sa probinsya: ang mag-almusal kasama ang pamilya. Bukod sa excuse ako sa gawaing bahay, napapangiti ako kapag magkasama kami lahat. Mararamdaman mo kasi yung sense of belongingness. Naks!

Umaga talaga, binibigyan ka talaga ng pag-asa.

Kumusta umaga mo? Sige, log out na ako, ubos na kape ko at mag-dedegamo pa ako!

Nokia 3310. Old school pero Cool.

Tuesday, January 25, 2011
Techi (pronounced as Tekki) – ito ay tumutukoy sa mga taong mahilig sa mga in-today gadgets katulad ng iPhone, iPad, iPod at kung ano-ano pang i.

Lahat ng tao sa mundo lalo na ang mga kabataan naghahangad na maging techi o maging up-to date sa mga gadgets ngayon. “We live in a digital world kaya dapat in ka kung anong meron ngayon,” ika ng kakilala kong halos matumba na kanina habang dala-dala ang laptop, iPad at blackberry niya at napailing lang ako sa nangyari. Yabang talaga, sayang hindi natumba.

Napuno pa nga ako ng kanchaw kanina kasi raw ang phone ko old school na masyado, Nokia 3310. Ang dapat daw ay itapon na. Old school na nga pero kung iisipin natin, ang purpose lang talaga ng mga cellphones ay para makapag-communicate ka sa mga taong malayo sayo at kung may tanong ka sa kanila katulad ng “wer yu?”. Barado agad si mayabang at wala ng nasabi.

Araw araw nakikita ko sa TV o nababasa sa dyaryo kung ano ang bago ngayon. Kanina nga lang napanood ko yung android tablet na type na mga computers. Bilib ako sa mga tao, kung ano-ano na ang ini-imbento. Pero minsan nakakatakot, paano kung magiging sobrang dependent na tayo sa mga gadgets na yan? Biruin mo sa Japan meron ng mga android robots! Ito ay mga robots na talagang mukhang tao na, yung pareho sa Dragon Ballz, si Android 18, hindi si Picollo. Inimbento daw ang mga android robots na yun para tumulong sa gawaing bahay, basta maging assistant ng tao. Ibig sabihin kung darating na yan sa Pinas, Hindi na magluluto si nanay kasi may robot na at lalong hindi na ako maghuhugas ng pinggan kasi may robot na rin. Ayos! May instant chimay na sa bahay. Pero paano kung mag-oover heat ang robot sa dami ng gawain, baka maging instant terminator! Hindi na cool, kaya nga nakakatakot at ayoko.

Kaya kung ako ang tatanungin, ok na ako kung ano ang meron sa akin ngayon nagadgets, smooth sailing pa rin naman ang buhay. Naks!


magkano kaya yung android na robot?

Ang Bridget Jones Effect.. feel mo?

Monday, January 17, 2011
Napanood nyo ba ang Bridget Jones’ Diary? Basta tungkol ito sa isang babaeng hilig magsulat sa nangyayari sa buhay niya sa diary. Sa kasikatan nito, pati ako nahawa. Pero alam nyo ba na nakakatulong ang diary? Ayon kay Dr. Matthew Lieberman, isang psychologist, kapag dinadaan ng isang tao ang kanyang nararamdaman sa pagsulat, tinutulungan nito ang ang sariling utak na i-control ang sariling emosyon at malilisan nito ang sariling emotional distress. (ayos!). Ito ang tinatawag na the Bridget Jones’ Effect. Kung iniisip mong gawa-gawa ko lang toh, nagkakamali ka. Pero ako, kahit wala pa akong diary noon, mahilig na akong sumulat.

Maraming nagtatanong kung bakit nakahiligan ko ang pagsulat eh wala naman daw sa mukha ko ang sumulat. Makikita pala sa pagmumukha kung anong hilig mo? Ngayon ko lang yan nalaman. Kung sa bagay, hindi naman talaga masasabi sa malayuan na ito ang hobby ko.

Simula’t sapul pa lang, mahilig na talaga akong sumulat ng kung ano-ano. Bukod sa pag-vandal ng office table ng ermat ko noon gamit ang correction fluid o snow peak, sinabi ni nanay na nakagawa daw ako ng lab letter sa crush ko noong grade school, Holy Macaroni! Adik na pala ako noon. Grade school na grade school may crush na ako? Cool. Kaya nga lang, hindi ko matandaan pangalan nya. Pero sa tingin ko hindi yun crush, parang kakosa ko lang ata yun sa Dampa team at nag-express lang siguro ako ng paghanga sa kanya (defensive). Sa hindi nakakaalam, ang dampa ay isang uri ng laro gamit ang lastiko o rubber bands na multi-colored at mga kamay mo. (search mo sa youtube for further details)

Naalala ko tuloy ang paborito kung sulatin noon, ang autobiography notebook. Oo, yung colorful notebook na pakiramdam mong artista ka at ikaw si Angelina Jolie sa dami ng tanong sa’yo. Hindi ko alam kung naabutan mo pa ‘toh basta eto yung tinatanong ka ng basic profile mo, fave food, likes, dislikes at who’s your crush. Natatawa talaga ako nito, pinasagot ko pa mga kapatid kong mga lalake at sinagot pa nila ang who’s your crush question.

Pagdating ko naman sa high school, medjo na-frustrate ako kasi hindi ako nakuha sa publication namin sa school, pinili lang kasi ang mga sikat. Asar na asar ako sa sistemang yun pero kahit naging ganun ang kahinatnan ko, tinuloy ko pa rin pagsulat . Ito yung panahon na inumpisahan ko ang diary (naks!) Lumabas na ang pagka-Bridget Jones ko at medjo nakakatawa na pagsulat ko noon kasi may mga salitang jologs. Mga salitang “echos”, “hai naku, life nga naman” at di ko na sasabihin ang iba.

Apat na buwan bago mag-kolehiyo. Tinuloy ko pa rin ang pagsulat sa diary ko sabay pokus kung anong course ang kukunin ko. Sa totoo lang, BS-Biology ang gusto kong kunin noon kasi pang-handa yun sa medisina. Oo, maging doktora ang pangarap ko NOON. Pero bad shot, ayaw ni ermat. No can do daw sa akin ang ganung propesyon, masakitin daw kasi ako. Yung tipong may hika ngayon, bukas may lagnat tapos next week, may UTI. Galing ko noh? Kaya iniba ko ang scheme ko. Naghanap ako ng kursong basta makatapos lang ako ng college. In short, nainis ako. Gusting gusto ko kasi ang maging manggagamot. Pero pagkatapos ng 10 seconds, nawala yung pagka-inis at nakahanap ako ng ibang kurso, ang Batsilyer sa Paglinang ng Komunikasyon (hanapin nyo sa google ang English nyan). Bt ito ang pinili ko? Ok kasi pakinggan ang Batsilyer sa Paglinang ng Komunikasyon. O dba? Repeat, Batsilyer sa Paglinang ng Komunikasyon. At yun na nga pinili ko. Noon ko nga lang nalaman pagkatapos ng scholarship interview na may journalism major pala ang kurso. Swak. At eto pa, may photography at theater subjects. hanep dba? (Kung mababasa kaya ito ng chairperson, may reward kaya ako sa pag-promote ng kurso namin, DSLR gift?)

Sa kabutihang palad, nakuha ko yung scholarship, ang bait talaga ni Lord! Sa wakas, maging estudyante ako ng Batsilyer sa Paglinang ng Komunikayon! Cool. Naawa siguro sa akin yung mga panelist, pinapawisan kasi ako at nanginginig habang nag-iingles na sumagot sa mga tanong nila. Basta ang saya saya ko noon sabay pressured sa grade kong ima-maintain. Kaya nahinto ang diary writing at basa lang ako ng basa ng mga libro at comply ng mga requirements. Sineryoso ko talaga ung pagka-isko ko. Pag-dating ng third year, pili na kami ng major at hulaan mo ano ang pinili ko….. syempre JOURNALISM (dapat astig ang pagbigkas nito, yung proud na proud).

Pero habang lumipas ang panahon, nawalan ako ng gana sa pagsulat. Lang hiya umiyak pa nga ako! ang hirap pala ng major ko. Meron pa lang mga di-ko-alam-na-may-ganung rules and regulations sa pagsulat. Umabot pa sa punto na sinumpa ko na hinding hindi na ako susulat pagkatapos kong mag-aral.

Pero kahit sumpa ako ng sumpa noon, tadhana ko ata ang pagsulat dahil kahit ngayon, sulat pa rin ako ng sulat. Naging malaking tulong na siguro sa akin ang hobby kong ito. kinakalma kasi nito utak ko, lalo na kung burn out ako. Nakakapagod? Oo kung hindi ka sanay pero kung passion mo toh, cool, tuloy lang sa pag-refill ng tinta.

Ikaw, anong trip mo?


Renee (pronounced as Reh-nei) Zellweger (siya yung gumanap ng Bridget Jones sa pelikula)

Happy Bertdey! ( D' Pinoy Style)

Friday, January 14, 2011
bertdey ni erpat kahapon. simple lang pero ang saya saya, daming foods at naging kodaker ako at kahit papano, sabik ako sa pagkuha ng mga litrato. ginampanan ko talaga pagka- photography enthusiast ko at food photography ang naging banat (naks!).


letchon. kelangan to lalo na kung ang tatay ang magbe-bertdey.




adobo/humba
. ayos to sa may high blood.



coke. pantulak. (blurred, tinawag kasi ako ni erpat, naasar bakit pagkain lang kinunan ng pikchur)



kinilaw. sarap nito lalo na kung malasugi ang isda.





pansit. pampahaba ng buhay.



tinapay. alam nyo na kung san yan i-pares.



grande. swak to pagkatapos ng kainan. obey your thirst ika nga.



puto, hindi putow! pwde gawing pulutan.



at syempre, hindi mawawala ang cake.



table setting. neccessity din to. dapat maganda ang pagka-ayos para hindi mapagalitan ni lola.





at ang hindi mawawala, ang pamilya at mga kaibigan ng celebrant. :)







para sa idol ko simula pa nung pagkabata, i love yu po, belated happy birthday!

Math + Ako = (brain system failure)*squared*

Saturday, January 8, 2011
Sunday, katatapos lang magsimba, busog at nakikisingit ng wi-fi na kapitbahay. cool.

Sa totoo lang, hindi masyadong gumagana utak ko ngayon, siguro dahil sa pag-compute ko ng grades kagabi sa mga students (naks!). Ilang beses ko nang nasabi sa mga blogs ko na ayoko ng math pero hindi naman pwede gawing narrative ang grades ng mga estudyante. Pakiramdam ko nga parang ako si superman at nanghina dahil nilapitan ng kryptonite, ganyan katindi ang mga numero sa akin. Pero kahit nahirapan, nakaraos din naman ako at eto, buhay pa rin.

Bad trip nga lang kasi di ko natapos yung pag-compute, mag-uumaga na kasi at ramdam kong parang may nakatingin sa akin sa bintana at kulang nalang sabihin nitong “matulog ka na kung ayaw mong kainin kita.” Syempre walang ganun sa amin, twisted lang talaga minsan ang pag-iisip ko at nasobraan na yata habang nagco-compute ako. Naalala ko noon nung nag-schooling pa ako at sa tuwing binabanggit na ng guro ang numero at mag-so-solve na ng equation, nakatingin lang ako sa kanya pero yung utak ko lumilipad na at nag-iisip kung ano ang masarap na meryenda pagkatapos ng klase.

Sabi ng tiyahin ko noon, dapat ko raw mahalin ang math dahil ito ang universal language eh ayaw ng utak ko. Hindi rin naman mawawala ang korupsyon sa bansa kung mag-sosolve ako ng differential calculus equation, yan ang sikat kong palusot sa tita ko. Naging biro na sa pamilya namin na kung pagpipiliin ako, math o sangdosenang paper works, hindi ako magda-dalawang isip na piliin yung paper works. Nagulat nga erpat ko nung nalaman yang take 1 lang ako sa math nung college. Ayoko rin namang masira ang TOR ko ng dahil sa linsyak na math kaya naghanap ako ng paraan. Kahit labag sa puso at utak ko noong magpatutor at humingi ng tulong sa math genius kong kabarkada, wala akong magawa, yun nalang ang natatanging paraan kung gusto kong pumasa. Sa kabutihang palad, naiintindihan ko rin ang process at nakapagsolve ng isang problem after 15 minutes. Matagal yun pero sobrang saya ko na nung nasolve ko yun.

Katulad ngayon, kahit mabigat sa kalooban ko na magcompute ng grades, necessity eh. Kinabukasan na ng mga estudyante ang pinag-uusapan dito kaya dapat pagbutihan ni ma’am ang pagcompute. Masaya rin naman makita mong nag-iimprove sila sa mga quizzes. Cge.

Cramming…….na naman.

Wednesday, January 5, 2011
Ano ang cramming? Ayon kay Mr. Wikipedia (english muna ako), cramming (also known as mugging) is the practice of working intensively to absorb large volumes of informational material in short amounts of time. It is often done by students in preparation for upcoming exams. Kahit nakatapos na ako, iniisip ko pa rin na estudyante pa ako at ang mga trabaho ko ngayon ay parang mga pagsusulit na kelangan pag-aralan.

Sa paningin ko, halos lahat ng mga estudyante o yung mga nakatapos na ay nakaranas na ng cramming (kung hindi mo ito naranasan, alien ka). Pero sabi ng erpat ko, hindi daw mag-cramming ang isang tao kung hindi ito tamad. Kaya nga raw may time management para mapagbutihan at maging maayos ang lahat ng mga gawain ng isang tao, smooth sailing kung baga. Si tatay talaga, nagpapatawa. Ako? Tamad? Parang. Pero kung tutuusin, sanay na ako sa technique na ito lalong lalo na nung nasa 4th yr college pa ako. Kung tinatanong nga ako ng nanay ko kung kumusta pag-aaral ko, sinasabi ko lang “no sweat po ma, kayang kaya” sabay bulong sa sarili no sweat……all blood. Yun pala, nagcramming na ako. May paniniwala kasi ako na kung ayaw ng utak mong magtrabaho, wag mong pilitin. Tendency kasi nito, pangit ang output mo, chillax muna for 30 minutes (naks nakalusot!). Pero sa awa ng Diyos, nakatapos din naman ako at may trabaho ngayon. Cool. Hindi ko sinasabi na ok o hanep ang cramming technique, doble kasi ang pressure nito sa’yo at tsaka sobrang nakakapagod. Pero kung matigas talaga ulo mo, katulad ko, pwede mo ‘tong subukan.

O sha, tatapusin ko na tong totoong trabaho ko, ubos na ang 30 minutes.

2011. Bagong taon, maraming tanong.

Monday, January 3, 2011
Tuwing bagong taon, di talaga maiwasan ang pagtanungin ka ng mga pang-new-year-questions. Malamang naitanong na rin ang mga ito saĆ½o. Gusto mong malaman?

Eto:

1. Anong ginawa mo pagpatak ng alas dose nung New Year’s Eve? Simple. Lumundag ako ng lumundag sabay sigaw ng happy new year. Sabi kasi ng nanay ko kapag lumundag ka raw sa medya noche eh tatangkad ka raw, sineryoso ko naman to. Ang nakakapagtaka lang eh hanggang ngayon, wala pa ring pagbabago sa height ko kahit anim na taon ko na tong ginagawa (pramis!)

2. Anong handa nyo nung new year’s eve? Secret.

3. Ano yung new year’s resolution mo? Napapangiti talaga ako pag tinatanong ako nito. Wala talaga akong new year’s resolution. Naniniwala kasi ako na hindi mo kailangang hintayin ang bagong taon kung may gusto kang gawin o baguhin sa buhay mo.

4. Sino ang una mong binati nung new year? Si Lord (naks!). pero seryoso, Siya talaga.

5. Anong gusto mong mangyari o gustong gawin sa buhay mo ngayong taon? Marami..talagang marami akong gustong gawin. Kanina inunahan ko na ng movie marathon...Harry Potter. Simula nung mga bata pa at ang cute cute pa nilang Harry, Ron, Hermione at Dumbledore hanggang dun sa half-blood prince. Halos maluha-luha na ang mga mata ko sa panonood at seryoso kong hinanap si my precious. Tinawanan ko nalang sarili ko ng maalala na sa ibang pelikula siya makikita (the ring ata).


Kayo, ano ang naitanong sa inyo?