Blogger Templates by Blogcrowds

2011. Bagong taon, maraming tanong.

Monday, January 3, 2011
Tuwing bagong taon, di talaga maiwasan ang pagtanungin ka ng mga pang-new-year-questions. Malamang naitanong na rin ang mga ito saýo. Gusto mong malaman?

Eto:

1. Anong ginawa mo pagpatak ng alas dose nung New Year’s Eve? Simple. Lumundag ako ng lumundag sabay sigaw ng happy new year. Sabi kasi ng nanay ko kapag lumundag ka raw sa medya noche eh tatangkad ka raw, sineryoso ko naman to. Ang nakakapagtaka lang eh hanggang ngayon, wala pa ring pagbabago sa height ko kahit anim na taon ko na tong ginagawa (pramis!)

2. Anong handa nyo nung new year’s eve? Secret.

3. Ano yung new year’s resolution mo? Napapangiti talaga ako pag tinatanong ako nito. Wala talaga akong new year’s resolution. Naniniwala kasi ako na hindi mo kailangang hintayin ang bagong taon kung may gusto kang gawin o baguhin sa buhay mo.

4. Sino ang una mong binati nung new year? Si Lord (naks!). pero seryoso, Siya talaga.

5. Anong gusto mong mangyari o gustong gawin sa buhay mo ngayong taon? Marami..talagang marami akong gustong gawin. Kanina inunahan ko na ng movie marathon...Harry Potter. Simula nung mga bata pa at ang cute cute pa nilang Harry, Ron, Hermione at Dumbledore hanggang dun sa half-blood prince. Halos maluha-luha na ang mga mata ko sa panonood at seryoso kong hinanap si my precious. Tinawanan ko nalang sarili ko ng maalala na sa ibang pelikula siya makikita (the ring ata).


Kayo, ano ang naitanong sa inyo?

0 comments:

Post a Comment