“mahal kita, maging sino ka man” ... isang linya sa hit na soap opera sa Pinas. Cheesy? Oo pero patok pa rin sa mga puso ng mga pinoy kahit alam na alam na ang ending. Nakakarelate siguro kaya sa tuwing may bagong soap opera, hindi pwedeng hindi manood si nanay o si ate. Sa hindi po nakakaalam, soap operas ang tawag sa mga programa na yan kasi sabon ang nag-spo-sponsor.
Mapagmahal...=maasikaso..malambing... yan palagi ang trademark ng mga pinoy. Pero hindi ako naniniwala na pinoy lang ang may katangian na yan. Lahat ng tao sa mundo mapagmahal, minsan nga lang hindi tao ang mahal kundi ibang bagay. Pwedeng aso, halaman, aso ulit. sa hindi nakaka-alam ulit, santo po yan si Valentine.
Ang pinagtataka ko lang eh, bakit hinihintay pa ng mga tao ang valentines day para ipakita ang pagmamahal nila? Diba mas maganda kung araw araw mong ipakita o ipadama sa minamahal mo na sinisinta mo siya (redundant ata). Mas ayos manirahan sa mundo kung pagmamahal ang ipinapakita hindi away o krimen. Kung iisipin natin, turo ni Ama na dapat magmahalan , hindi magsuntukan o magsabunutan ng buhok.
Kung alam mo ang title ng soap opera na binanggit ko sa intro, pls text title(space)answer and send to 143555. Maari kang manalo ng load. Clue: uhmm polgoso.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
marimar...awww!
February 14, 2011 at 4:38 PM
tama!!! awww!
February 15, 2011 at 2:39 PM
.waw... Hehe!
February 24, 2011 at 11:09 AM