Malamig (maginaw?), nakikinig ng kantang “gising na” sa paborito kong banda habang nag-jajamming ang mga ibon, at katitimpla ko lang ng kape. Magandang umaga.*ngiti*.
Simple lang ang buhay dito sa probinsya namin. Walang gulo at walang nanggugulo maliban sa akin na ang aga-aga ay nakikisingit na ng wi-fi sa kapit bahay. Sa ayos ng buhay dito, maaga akong nagigising. Nung nasa kolehiyo pa ako, maaga din ako nagigising dahil sa ingay ng kapit bahay. May iba pa na tila nag-aaudition sa Philippine Idol sa walang tigil na pagkanta pa sa video singko. Ang sarap sigawan minsan ng “Hindi ka ba hinahanap ng nanay mo?! Mag-uumaga na!” Kung dito sa probinsya, huni ng ibon, doon naman ay ingay ng mga sasakyan. Apat na taon ko yun naranasan. Sakit sa ulo pero cool pa rin ang buhay.
Balik tayo sa probinsya namin. Kahit nakakatamad minsan bumangon, napapatindig ka talaga sa rami ng alarm clock. Alarm clock number one, si erpat. Siya ang pinaka-maagang gumigising sa bahay. Dalawa lang ang gagawin nya para bumangon ako: i-switch off yung ilaw o kukulitin ka hanggang babangon ka. Epektib yung pangalawa sa akin. Alarm clock number two, si nanay. Kung si tatay makulit, ermat ko naman sobrang lambing. Tatanungin lang ako kung bakit hindi na naman ako papasok sa opisina. Jumping jelly beans! Alam niya kaagad kung wala akong ganang pumasok sa opisina! Mother’s instinct talaga, minsan naiisip ko kung may brain cell sa ina na nag-kokonek sa utak ng anak kaya alam ang lahat. Mamathalamus? At alarm clock number three, si kuya. Sequel si kuya sa kakulitan ni erpat. Kung hindi ako nagising kay tatay, kay kuya sigurado. Minsan i-o-on nya yung radyo ko sa disco level na volume. Kainis pero napapatawa na lang ako at babangon. Talo ako.
Pagkatapos ayusin ang kama, titignan ko yung labas at nagiging instant masaya ako sa salubong ng mga aso ko. Ayos yung pakiramdam sa tuwing lalapitan ka habang kumukulit yung mga buntot nila. Parang sinasabi nilang, “good morning master!! Penge ng tinapay o dog biskwit!”
At yung pinakamaganda sa umaga sa probinsya: ang mag-almusal kasama ang pamilya. Bukod sa excuse ako sa gawaing bahay, napapangiti ako kapag magkasama kami lahat. Mararamdaman mo kasi yung sense of belongingness. Naks!
Umaga talaga, binibigyan ka talaga ng pag-asa.
Kumusta umaga mo? Sige, log out na ako, ubos na kape ko at mag-dedegamo pa ako!
Nokia 3310. Old school pero Cool.
Tuesday, January 25, 2011
Techi (pronounced as Tekki) – ito ay tumutukoy sa mga taong mahilig sa mga in-today gadgets katulad ng iPhone, iPad, iPod at kung ano-ano pang i.
Lahat ng tao sa mundo lalo na ang mga kabataan naghahangad na maging techi o maging up-to date sa mga gadgets ngayon. “We live in a digital world kaya dapat in ka kung anong meron ngayon,” ika ng kakilala kong halos matumba na kanina habang dala-dala ang laptop, iPad at blackberry niya at napailing lang ako sa nangyari. Yabang talaga, sayang hindi natumba.
Napuno pa nga ako ng kanchaw kanina kasi raw ang phone ko old school na masyado, Nokia 3310. Ang dapat daw ay itapon na. Old school na nga pero kung iisipin natin, ang purpose lang talaga ng mga cellphones ay para makapag-communicate ka sa mga taong malayo sayo at kung may tanong ka sa kanila katulad ng “wer yu?”. Barado agad si mayabang at wala ng nasabi.
Araw araw nakikita ko sa TV o nababasa sa dyaryo kung ano ang bago ngayon. Kanina nga lang napanood ko yung android tablet na type na mga computers. Bilib ako sa mga tao, kung ano-ano na ang ini-imbento. Pero minsan nakakatakot, paano kung magiging sobrang dependent na tayo sa mga gadgets na yan? Biruin mo sa Japan meron ng mga android robots! Ito ay mga robots na talagang mukhang tao na, yung pareho sa Dragon Ballz, si Android 18, hindi si Picollo. Inimbento daw ang mga android robots na yun para tumulong sa gawaing bahay, basta maging assistant ng tao. Ibig sabihin kung darating na yan sa Pinas, Hindi na magluluto si nanay kasi may robot na at lalong hindi na ako maghuhugas ng pinggan kasi may robot na rin. Ayos! May instant chimay na sa bahay. Pero paano kung mag-oover heat ang robot sa dami ng gawain, baka maging instant terminator! Hindi na cool, kaya nga nakakatakot at ayoko.
Kaya kung ako ang tatanungin, ok na ako kung ano ang meron sa akin ngayon nagadgets, smooth sailing pa rin naman ang buhay. Naks!
magkano kaya yung android na robot?

Ang Bridget Jones Effect.. feel mo?
Monday, January 17, 2011
Napanood nyo ba ang Bridget Jones’ Diary? Basta tungkol ito sa isang babaeng hilig magsulat sa nangyayari sa buhay niya sa diary. Sa kasikatan nito, pati ako nahawa. Pero alam nyo ba na nakakatulong ang diary? Ayon kay Dr. Matthew Lieberman, isang psychologist, kapag dinadaan ng isang tao ang kanyang nararamdaman sa pagsulat, tinutulungan nito ang ang sariling utak na i-control ang sariling emosyon at malilisan nito ang sariling emotional distress. (ayos!). Ito ang tinatawag na the Bridget Jones’ Effect. Kung iniisip mong gawa-gawa ko lang toh, nagkakamali ka. Pero ako, kahit wala pa akong diary noon, mahilig na akong sumulat.
Maraming nagtatanong kung bakit nakahiligan ko ang pagsulat eh wala naman daw sa mukha ko ang sumulat. Makikita pala sa pagmumukha kung anong hilig mo? Ngayon ko lang yan nalaman. Kung sa bagay, hindi naman talaga masasabi sa malayuan na ito ang hobby ko.
Simula’t sapul pa lang, mahilig na talaga akong sumulat ng kung ano-ano. Bukod sa pag-vandal ng office table ng ermat ko noon gamit ang correction fluid o snow peak, sinabi ni nanay na nakagawa daw ako ng lab letter sa crush ko noong grade school, Holy Macaroni! Adik na pala ako noon. Grade school na grade school may crush na ako? Cool. Kaya nga lang, hindi ko matandaan pangalan nya. Pero sa tingin ko hindi yun crush, parang kakosa ko lang ata yun sa Dampa team at nag-express lang siguro ako ng paghanga sa kanya (defensive). Sa hindi nakakaalam, ang dampa ay isang uri ng laro gamit ang lastiko o rubber bands na multi-colored at mga kamay mo. (search mo sa youtube for further details)
Naalala ko tuloy ang paborito kung sulatin noon, ang autobiography notebook. Oo, yung colorful notebook na pakiramdam mong artista ka at ikaw si Angelina Jolie sa dami ng tanong sa’yo. Hindi ko alam kung naabutan mo pa ‘toh basta eto yung tinatanong ka ng basic profile mo, fave food, likes, dislikes at who’s your crush. Natatawa talaga ako nito, pinasagot ko pa mga kapatid kong mga lalake at sinagot pa nila ang who’s your crush question.
Pagdating ko naman sa high school, medjo na-frustrate ako kasi hindi ako nakuha sa publication namin sa school, pinili lang kasi ang mga sikat. Asar na asar ako sa sistemang yun pero kahit naging ganun ang kahinatnan ko, tinuloy ko pa rin pagsulat . Ito yung panahon na inumpisahan ko ang diary (naks!) Lumabas na ang pagka-Bridget Jones ko at medjo nakakatawa na pagsulat ko noon kasi may mga salitang jologs. Mga salitang “echos”, “hai naku, life nga naman” at di ko na sasabihin ang iba.
Apat na buwan bago mag-kolehiyo. Tinuloy ko pa rin ang pagsulat sa diary ko sabay pokus kung anong course ang kukunin ko. Sa totoo lang, BS-Biology ang gusto kong kunin noon kasi pang-handa yun sa medisina. Oo, maging doktora ang pangarap ko NOON. Pero bad shot, ayaw ni ermat. No can do daw sa akin ang ganung propesyon, masakitin daw kasi ako. Yung tipong may hika ngayon, bukas may lagnat tapos next week, may UTI. Galing ko noh? Kaya iniba ko ang scheme ko. Naghanap ako ng kursong basta makatapos lang ako ng college. In short, nainis ako. Gusting gusto ko kasi ang maging manggagamot. Pero pagkatapos ng 10 seconds, nawala yung pagka-inis at nakahanap ako ng ibang kurso, ang Batsilyer sa Paglinang ng Komunikasyon (hanapin nyo sa google ang English nyan). Bt ito ang pinili ko? Ok kasi pakinggan ang Batsilyer sa Paglinang ng Komunikasyon. O dba? Repeat, Batsilyer sa Paglinang ng Komunikasyon. At yun na nga pinili ko. Noon ko nga lang nalaman pagkatapos ng scholarship interview na may journalism major pala ang kurso. Swak. At eto pa, may photography at theater subjects. hanep dba? (Kung mababasa kaya ito ng chairperson, may reward kaya ako sa pag-promote ng kurso namin, DSLR gift?)
Sa kabutihang palad, nakuha ko yung scholarship, ang bait talaga ni Lord! Sa wakas, maging estudyante ako ng Batsilyer sa Paglinang ng Komunikayon! Cool. Naawa siguro sa akin yung mga panelist, pinapawisan kasi ako at nanginginig habang nag-iingles na sumagot sa mga tanong nila. Basta ang saya saya ko noon sabay pressured sa grade kong ima-maintain. Kaya nahinto ang diary writing at basa lang ako ng basa ng mga libro at comply ng mga requirements. Sineryoso ko talaga ung pagka-isko ko. Pag-dating ng third year, pili na kami ng major at hulaan mo ano ang pinili ko….. syempre JOURNALISM (dapat astig ang pagbigkas nito, yung proud na proud).
Pero habang lumipas ang panahon, nawalan ako ng gana sa pagsulat. Lang hiya umiyak pa nga ako! ang hirap pala ng major ko. Meron pa lang mga di-ko-alam-na-may-ganung rules and regulations sa pagsulat. Umabot pa sa punto na sinumpa ko na hinding hindi na ako susulat pagkatapos kong mag-aral.
Pero kahit sumpa ako ng sumpa noon, tadhana ko ata ang pagsulat dahil kahit ngayon, sulat pa rin ako ng sulat. Naging malaking tulong na siguro sa akin ang hobby kong ito. kinakalma kasi nito utak ko, lalo na kung burn out ako. Nakakapagod? Oo kung hindi ka sanay pero kung passion mo toh, cool, tuloy lang sa pag-refill ng tinta.
Ikaw, anong trip mo?
Renee (pronounced as Reh-nei) Zellweger (siya yung gumanap ng Bridget Jones sa pelikula)

Happy Bertdey! ( D' Pinoy Style)
Friday, January 14, 2011
bertdey ni erpat kahapon. simple lang pero ang saya saya, daming foods at naging kodaker ako at kahit papano, sabik ako sa pagkuha ng mga litrato. ginampanan ko talaga pagka- photography enthusiast ko at food photography ang naging banat (naks!).
letchon. kelangan to lalo na kung ang tatay ang magbe-bertdey.
adobo/humba. ayos to sa may high blood.
coke. pantulak. (blurred, tinawag kasi ako ni erpat, naasar bakit pagkain lang kinunan ng pikchur)
kinilaw. sarap nito lalo na kung malasugi ang isda.
pansit. pampahaba ng buhay.
tinapay. alam nyo na kung san yan i-pares.
grande. swak to pagkatapos ng kainan. obey your thirst ika nga.
puto, hindi putow! pwde gawing pulutan.
at syempre, hindi mawawala ang cake.
table setting. neccessity din to. dapat maganda ang pagka-ayos para hindi mapagalitan ni lola.
at ang hindi mawawala, ang pamilya at mga kaibigan ng celebrant. :)
para sa idol ko simula pa nung pagkabata, i love yu po, belated happy birthday!

Math + Ako = (brain system failure)*squared*
Saturday, January 8, 2011
Sunday, katatapos lang magsimba, busog at nakikisingit ng wi-fi na kapitbahay. cool.
Sa totoo lang, hindi masyadong gumagana utak ko ngayon, siguro dahil sa pag-compute ko ng grades kagabi sa mga students (naks!). Ilang beses ko nang nasabi sa mga blogs ko na ayoko ng math pero hindi naman pwede gawing narrative ang grades ng mga estudyante. Pakiramdam ko nga parang ako si superman at nanghina dahil nilapitan ng kryptonite, ganyan katindi ang mga numero sa akin. Pero kahit nahirapan, nakaraos din naman ako at eto, buhay pa rin.
Bad trip nga lang kasi di ko natapos yung pag-compute, mag-uumaga na kasi at ramdam kong parang may nakatingin sa akin sa bintana at kulang nalang sabihin nitong “matulog ka na kung ayaw mong kainin kita.” Syempre walang ganun sa amin, twisted lang talaga minsan ang pag-iisip ko at nasobraan na yata habang nagco-compute ako. Naalala ko noon nung nag-schooling pa ako at sa tuwing binabanggit na ng guro ang numero at mag-so-solve na ng equation, nakatingin lang ako sa kanya pero yung utak ko lumilipad na at nag-iisip kung ano ang masarap na meryenda pagkatapos ng klase.
Sabi ng tiyahin ko noon, dapat ko raw mahalin ang math dahil ito ang universal language eh ayaw ng utak ko. Hindi rin naman mawawala ang korupsyon sa bansa kung mag-sosolve ako ng differential calculus equation, yan ang sikat kong palusot sa tita ko. Naging biro na sa pamilya namin na kung pagpipiliin ako, math o sangdosenang paper works, hindi ako magda-dalawang isip na piliin yung paper works. Nagulat nga erpat ko nung nalaman yang take 1 lang ako sa math nung college. Ayoko rin namang masira ang TOR ko ng dahil sa linsyak na math kaya naghanap ako ng paraan. Kahit labag sa puso at utak ko noong magpatutor at humingi ng tulong sa math genius kong kabarkada, wala akong magawa, yun nalang ang natatanging paraan kung gusto kong pumasa. Sa kabutihang palad, naiintindihan ko rin ang process at nakapagsolve ng isang problem after 15 minutes. Matagal yun pero sobrang saya ko na nung nasolve ko yun.
Katulad ngayon, kahit mabigat sa kalooban ko na magcompute ng grades, necessity eh. Kinabukasan na ng mga estudyante ang pinag-uusapan dito kaya dapat pagbutihan ni ma’am ang pagcompute. Masaya rin naman makita mong nag-iimprove sila sa mga quizzes. Cge.

Cramming…….na naman.
Wednesday, January 5, 2011
Ano ang cramming? Ayon kay Mr. Wikipedia (english muna ako), cramming (also known as mugging) is the practice of working intensively to absorb large volumes of informational material in short amounts of time. It is often done by students in preparation for upcoming exams. Kahit nakatapos na ako, iniisip ko pa rin na estudyante pa ako at ang mga trabaho ko ngayon ay parang mga pagsusulit na kelangan pag-aralan.
Sa paningin ko, halos lahat ng mga estudyante o yung mga nakatapos na ay nakaranas na ng cramming (kung hindi mo ito naranasan, alien ka). Pero sabi ng erpat ko, hindi daw mag-cramming ang isang tao kung hindi ito tamad. Kaya nga raw may time management para mapagbutihan at maging maayos ang lahat ng mga gawain ng isang tao, smooth sailing kung baga. Si tatay talaga, nagpapatawa. Ako? Tamad? Parang. Pero kung tutuusin, sanay na ako sa technique na ito lalong lalo na nung nasa 4th yr college pa ako. Kung tinatanong nga ako ng nanay ko kung kumusta pag-aaral ko, sinasabi ko lang “no sweat po ma, kayang kaya” sabay bulong sa sarili no sweat……all blood. Yun pala, nagcramming na ako. May paniniwala kasi ako na kung ayaw ng utak mong magtrabaho, wag mong pilitin. Tendency kasi nito, pangit ang output mo, chillax muna for 30 minutes (naks nakalusot!). Pero sa awa ng Diyos, nakatapos din naman ako at may trabaho ngayon. Cool. Hindi ko sinasabi na ok o hanep ang cramming technique, doble kasi ang pressure nito sa’yo at tsaka sobrang nakakapagod. Pero kung matigas talaga ulo mo, katulad ko, pwede mo ‘tong subukan.
O sha, tatapusin ko na tong totoong trabaho ko, ubos na ang 30 minutes.

2011. Bagong taon, maraming tanong.
Monday, January 3, 2011
Tuwing bagong taon, di talaga maiwasan ang pagtanungin ka ng mga pang-new-year-questions. Malamang naitanong na rin ang mga ito saĆ½o. Gusto mong malaman?
Eto:
1. Anong ginawa mo pagpatak ng alas dose nung New Year’s Eve? Simple. Lumundag ako ng lumundag sabay sigaw ng happy new year. Sabi kasi ng nanay ko kapag lumundag ka raw sa medya noche eh tatangkad ka raw, sineryoso ko naman to. Ang nakakapagtaka lang eh hanggang ngayon, wala pa ring pagbabago sa height ko kahit anim na taon ko na tong ginagawa (pramis!)
2. Anong handa nyo nung new year’s eve? Secret.
3. Ano yung new year’s resolution mo? Napapangiti talaga ako pag tinatanong ako nito. Wala talaga akong new year’s resolution. Naniniwala kasi ako na hindi mo kailangang hintayin ang bagong taon kung may gusto kang gawin o baguhin sa buhay mo.
4. Sino ang una mong binati nung new year? Si Lord (naks!). pero seryoso, Siya talaga.
5. Anong gusto mong mangyari o gustong gawin sa buhay mo ngayong taon? Marami..talagang marami akong gustong gawin. Kanina inunahan ko na ng movie marathon...Harry Potter. Simula nung mga bata pa at ang cute cute pa nilang Harry, Ron, Hermione at Dumbledore hanggang dun sa half-blood prince. Halos maluha-luha na ang mga mata ko sa panonood at seryoso kong hinanap si my precious. Tinawanan ko nalang sarili ko ng maalala na sa ibang pelikula siya makikita (the ring ata).
Kayo, ano ang naitanong sa inyo?

Subscribe to:
Posts (Atom)