Blogger Templates by Blogcrowds

Cramming…….na naman.

Wednesday, January 5, 2011
Ano ang cramming? Ayon kay Mr. Wikipedia (english muna ako), cramming (also known as mugging) is the practice of working intensively to absorb large volumes of informational material in short amounts of time. It is often done by students in preparation for upcoming exams. Kahit nakatapos na ako, iniisip ko pa rin na estudyante pa ako at ang mga trabaho ko ngayon ay parang mga pagsusulit na kelangan pag-aralan.

Sa paningin ko, halos lahat ng mga estudyante o yung mga nakatapos na ay nakaranas na ng cramming (kung hindi mo ito naranasan, alien ka). Pero sabi ng erpat ko, hindi daw mag-cramming ang isang tao kung hindi ito tamad. Kaya nga raw may time management para mapagbutihan at maging maayos ang lahat ng mga gawain ng isang tao, smooth sailing kung baga. Si tatay talaga, nagpapatawa. Ako? Tamad? Parang. Pero kung tutuusin, sanay na ako sa technique na ito lalong lalo na nung nasa 4th yr college pa ako. Kung tinatanong nga ako ng nanay ko kung kumusta pag-aaral ko, sinasabi ko lang “no sweat po ma, kayang kaya” sabay bulong sa sarili no sweat……all blood. Yun pala, nagcramming na ako. May paniniwala kasi ako na kung ayaw ng utak mong magtrabaho, wag mong pilitin. Tendency kasi nito, pangit ang output mo, chillax muna for 30 minutes (naks nakalusot!). Pero sa awa ng Diyos, nakatapos din naman ako at may trabaho ngayon. Cool. Hindi ko sinasabi na ok o hanep ang cramming technique, doble kasi ang pressure nito sa’yo at tsaka sobrang nakakapagod. Pero kung matigas talaga ulo mo, katulad ko, pwede mo ‘tong subukan.

O sha, tatapusin ko na tong totoong trabaho ko, ubos na ang 30 minutes.

1 comments:

  1. Jennifer Rose said...

    bwahahahhaha..naaliw ako sa blog mo,majalko. :D Tunay ngang nagpapaka-busy ka ngayon.MABUTI yan! :D

    Ako nga din, tagal nang di nakakapagsulat sa DIARY ko pati na sa blogspot.haaay.

    January 6, 2011 at 7:42 PM  

Post a Comment