Techi (pronounced as Tekki) – ito ay tumutukoy sa mga taong mahilig sa mga in-today gadgets katulad ng iPhone, iPad, iPod at kung ano-ano pang i.
Lahat ng tao sa mundo lalo na ang mga kabataan naghahangad na maging techi o maging up-to date sa mga gadgets ngayon. “We live in a digital world kaya dapat in ka kung anong meron ngayon,” ika ng kakilala kong halos matumba na kanina habang dala-dala ang laptop, iPad at blackberry niya at napailing lang ako sa nangyari. Yabang talaga, sayang hindi natumba.
Napuno pa nga ako ng kanchaw kanina kasi raw ang phone ko old school na masyado, Nokia 3310. Ang dapat daw ay itapon na. Old school na nga pero kung iisipin natin, ang purpose lang talaga ng mga cellphones ay para makapag-communicate ka sa mga taong malayo sayo at kung may tanong ka sa kanila katulad ng “wer yu?”. Barado agad si mayabang at wala ng nasabi.
Araw araw nakikita ko sa TV o nababasa sa dyaryo kung ano ang bago ngayon. Kanina nga lang napanood ko yung android tablet na type na mga computers. Bilib ako sa mga tao, kung ano-ano na ang ini-imbento. Pero minsan nakakatakot, paano kung magiging sobrang dependent na tayo sa mga gadgets na yan? Biruin mo sa Japan meron ng mga android robots! Ito ay mga robots na talagang mukhang tao na, yung pareho sa Dragon Ballz, si Android 18, hindi si Picollo. Inimbento daw ang mga android robots na yun para tumulong sa gawaing bahay, basta maging assistant ng tao. Ibig sabihin kung darating na yan sa Pinas, Hindi na magluluto si nanay kasi may robot na at lalong hindi na ako maghuhugas ng pinggan kasi may robot na rin. Ayos! May instant chimay na sa bahay. Pero paano kung mag-oover heat ang robot sa dami ng gawain, baka maging instant terminator! Hindi na cool, kaya nga nakakatakot at ayoko.
Kaya kung ako ang tatanungin, ok na ako kung ano ang meron sa akin ngayon nagadgets, smooth sailing pa rin naman ang buhay. Naks!
magkano kaya yung android na robot?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
AYOS!:D
more,more,more!
January 25, 2011 at 5:16 PM
i salute u maam..korek jud.. saon nalang atong world??? robots na ang maghari.
January 26, 2011 at 4:03 PM