Blogger Templates by Blogcrowds

Math + Ako = (brain system failure)*squared*

Saturday, January 8, 2011
Sunday, katatapos lang magsimba, busog at nakikisingit ng wi-fi na kapitbahay. cool.

Sa totoo lang, hindi masyadong gumagana utak ko ngayon, siguro dahil sa pag-compute ko ng grades kagabi sa mga students (naks!). Ilang beses ko nang nasabi sa mga blogs ko na ayoko ng math pero hindi naman pwede gawing narrative ang grades ng mga estudyante. Pakiramdam ko nga parang ako si superman at nanghina dahil nilapitan ng kryptonite, ganyan katindi ang mga numero sa akin. Pero kahit nahirapan, nakaraos din naman ako at eto, buhay pa rin.

Bad trip nga lang kasi di ko natapos yung pag-compute, mag-uumaga na kasi at ramdam kong parang may nakatingin sa akin sa bintana at kulang nalang sabihin nitong “matulog ka na kung ayaw mong kainin kita.” Syempre walang ganun sa amin, twisted lang talaga minsan ang pag-iisip ko at nasobraan na yata habang nagco-compute ako. Naalala ko noon nung nag-schooling pa ako at sa tuwing binabanggit na ng guro ang numero at mag-so-solve na ng equation, nakatingin lang ako sa kanya pero yung utak ko lumilipad na at nag-iisip kung ano ang masarap na meryenda pagkatapos ng klase.

Sabi ng tiyahin ko noon, dapat ko raw mahalin ang math dahil ito ang universal language eh ayaw ng utak ko. Hindi rin naman mawawala ang korupsyon sa bansa kung mag-sosolve ako ng differential calculus equation, yan ang sikat kong palusot sa tita ko. Naging biro na sa pamilya namin na kung pagpipiliin ako, math o sangdosenang paper works, hindi ako magda-dalawang isip na piliin yung paper works. Nagulat nga erpat ko nung nalaman yang take 1 lang ako sa math nung college. Ayoko rin namang masira ang TOR ko ng dahil sa linsyak na math kaya naghanap ako ng paraan. Kahit labag sa puso at utak ko noong magpatutor at humingi ng tulong sa math genius kong kabarkada, wala akong magawa, yun nalang ang natatanging paraan kung gusto kong pumasa. Sa kabutihang palad, naiintindihan ko rin ang process at nakapagsolve ng isang problem after 15 minutes. Matagal yun pero sobrang saya ko na nung nasolve ko yun.

Katulad ngayon, kahit mabigat sa kalooban ko na magcompute ng grades, necessity eh. Kinabukasan na ng mga estudyante ang pinag-uusapan dito kaya dapat pagbutihan ni ma’am ang pagcompute. Masaya rin naman makita mong nag-iimprove sila sa mga quizzes. Cge.

0 comments:

Post a Comment