Napanood nyo ba ang Bridget Jones’ Diary? Basta tungkol ito sa isang babaeng hilig magsulat sa nangyayari sa buhay niya sa diary. Sa kasikatan nito, pati ako nahawa. Pero alam nyo ba na nakakatulong ang diary? Ayon kay Dr. Matthew Lieberman, isang psychologist, kapag dinadaan ng isang tao ang kanyang nararamdaman sa pagsulat, tinutulungan nito ang ang sariling utak na i-control ang sariling emosyon at malilisan nito ang sariling emotional distress. (ayos!). Ito ang tinatawag na the Bridget Jones’ Effect. Kung iniisip mong gawa-gawa ko lang toh, nagkakamali ka. Pero ako, kahit wala pa akong diary noon, mahilig na akong sumulat.
Maraming nagtatanong kung bakit nakahiligan ko ang pagsulat eh wala naman daw sa mukha ko ang sumulat. Makikita pala sa pagmumukha kung anong hilig mo? Ngayon ko lang yan nalaman. Kung sa bagay, hindi naman talaga masasabi sa malayuan na ito ang hobby ko.
Simula’t sapul pa lang, mahilig na talaga akong sumulat ng kung ano-ano. Bukod sa pag-vandal ng office table ng ermat ko noon gamit ang correction fluid o snow peak, sinabi ni nanay na nakagawa daw ako ng lab letter sa crush ko noong grade school, Holy Macaroni! Adik na pala ako noon. Grade school na grade school may crush na ako? Cool. Kaya nga lang, hindi ko matandaan pangalan nya. Pero sa tingin ko hindi yun crush, parang kakosa ko lang ata yun sa Dampa team at nag-express lang siguro ako ng paghanga sa kanya (defensive). Sa hindi nakakaalam, ang dampa ay isang uri ng laro gamit ang lastiko o rubber bands na multi-colored at mga kamay mo. (search mo sa youtube for further details)
Naalala ko tuloy ang paborito kung sulatin noon, ang autobiography notebook. Oo, yung colorful notebook na pakiramdam mong artista ka at ikaw si Angelina Jolie sa dami ng tanong sa’yo. Hindi ko alam kung naabutan mo pa ‘toh basta eto yung tinatanong ka ng basic profile mo, fave food, likes, dislikes at who’s your crush. Natatawa talaga ako nito, pinasagot ko pa mga kapatid kong mga lalake at sinagot pa nila ang who’s your crush question.
Pagdating ko naman sa high school, medjo na-frustrate ako kasi hindi ako nakuha sa publication namin sa school, pinili lang kasi ang mga sikat. Asar na asar ako sa sistemang yun pero kahit naging ganun ang kahinatnan ko, tinuloy ko pa rin pagsulat . Ito yung panahon na inumpisahan ko ang diary (naks!) Lumabas na ang pagka-Bridget Jones ko at medjo nakakatawa na pagsulat ko noon kasi may mga salitang jologs. Mga salitang “echos”, “hai naku, life nga naman” at di ko na sasabihin ang iba.
Apat na buwan bago mag-kolehiyo. Tinuloy ko pa rin ang pagsulat sa diary ko sabay pokus kung anong course ang kukunin ko. Sa totoo lang, BS-Biology ang gusto kong kunin noon kasi pang-handa yun sa medisina. Oo, maging doktora ang pangarap ko NOON. Pero bad shot, ayaw ni ermat. No can do daw sa akin ang ganung propesyon, masakitin daw kasi ako. Yung tipong may hika ngayon, bukas may lagnat tapos next week, may UTI. Galing ko noh? Kaya iniba ko ang scheme ko. Naghanap ako ng kursong basta makatapos lang ako ng college. In short, nainis ako. Gusting gusto ko kasi ang maging manggagamot. Pero pagkatapos ng 10 seconds, nawala yung pagka-inis at nakahanap ako ng ibang kurso, ang Batsilyer sa Paglinang ng Komunikasyon (hanapin nyo sa google ang English nyan). Bt ito ang pinili ko? Ok kasi pakinggan ang Batsilyer sa Paglinang ng Komunikasyon. O dba? Repeat, Batsilyer sa Paglinang ng Komunikasyon. At yun na nga pinili ko. Noon ko nga lang nalaman pagkatapos ng scholarship interview na may journalism major pala ang kurso. Swak. At eto pa, may photography at theater subjects. hanep dba? (Kung mababasa kaya ito ng chairperson, may reward kaya ako sa pag-promote ng kurso namin, DSLR gift?)
Sa kabutihang palad, nakuha ko yung scholarship, ang bait talaga ni Lord! Sa wakas, maging estudyante ako ng Batsilyer sa Paglinang ng Komunikayon! Cool. Naawa siguro sa akin yung mga panelist, pinapawisan kasi ako at nanginginig habang nag-iingles na sumagot sa mga tanong nila. Basta ang saya saya ko noon sabay pressured sa grade kong ima-maintain. Kaya nahinto ang diary writing at basa lang ako ng basa ng mga libro at comply ng mga requirements. Sineryoso ko talaga ung pagka-isko ko. Pag-dating ng third year, pili na kami ng major at hulaan mo ano ang pinili ko….. syempre JOURNALISM (dapat astig ang pagbigkas nito, yung proud na proud).
Pero habang lumipas ang panahon, nawalan ako ng gana sa pagsulat. Lang hiya umiyak pa nga ako! ang hirap pala ng major ko. Meron pa lang mga di-ko-alam-na-may-ganung rules and regulations sa pagsulat. Umabot pa sa punto na sinumpa ko na hinding hindi na ako susulat pagkatapos kong mag-aral.
Pero kahit sumpa ako ng sumpa noon, tadhana ko ata ang pagsulat dahil kahit ngayon, sulat pa rin ako ng sulat. Naging malaking tulong na siguro sa akin ang hobby kong ito. kinakalma kasi nito utak ko, lalo na kung burn out ako. Nakakapagod? Oo kung hindi ka sanay pero kung passion mo toh, cool, tuloy lang sa pag-refill ng tinta.
Ikaw, anong trip mo?
Renee (pronounced as Reh-nei) Zellweger (siya yung gumanap ng Bridget Jones sa pelikula)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment