Blogger Templates by Blogcrowds

Umaga sa probinsya

Saturday, January 29, 2011
Malamig (maginaw?), nakikinig ng kantang “gising na” sa paborito kong banda habang nag-jajamming ang mga ibon, at katitimpla ko lang ng kape. Magandang umaga.*ngiti*.

Simple lang ang buhay dito sa probinsya namin. Walang gulo at walang nanggugulo maliban sa akin na ang aga-aga ay nakikisingit na ng wi-fi sa kapit bahay. Sa ayos ng buhay dito, maaga akong nagigising. Nung nasa kolehiyo pa ako, maaga din ako nagigising dahil sa ingay ng kapit bahay. May iba pa na tila nag-aaudition sa Philippine Idol sa walang tigil na pagkanta pa sa video singko. Ang sarap sigawan minsan ng “Hindi ka ba hinahanap ng nanay mo?! Mag-uumaga na!” Kung dito sa probinsya, huni ng ibon, doon naman ay ingay ng mga sasakyan. Apat na taon ko yun naranasan. Sakit sa ulo pero cool pa rin ang buhay.

Balik tayo sa probinsya namin. Kahit nakakatamad minsan bumangon, napapatindig ka talaga sa rami ng alarm clock. Alarm clock number one, si erpat. Siya ang pinaka-maagang gumigising sa bahay. Dalawa lang ang gagawin nya para bumangon ako: i-switch off yung ilaw o kukulitin ka hanggang babangon ka. Epektib yung pangalawa sa akin. Alarm clock number two, si nanay. Kung si tatay makulit, ermat ko naman sobrang lambing. Tatanungin lang ako kung bakit hindi na naman ako papasok sa opisina. Jumping jelly beans! Alam niya kaagad kung wala akong ganang pumasok sa opisina! Mother’s instinct talaga, minsan naiisip ko kung may brain cell sa ina na nag-kokonek sa utak ng anak kaya alam ang lahat. Mamathalamus? At alarm clock number three, si kuya. Sequel si kuya sa kakulitan ni erpat. Kung hindi ako nagising kay tatay, kay kuya sigurado. Minsan i-o-on nya yung radyo ko sa disco level na volume. Kainis pero napapatawa na lang ako at babangon. Talo ako.

Pagkatapos ayusin ang kama, titignan ko yung labas at nagiging instant masaya ako sa salubong ng mga aso ko. Ayos yung pakiramdam sa tuwing lalapitan ka habang kumukulit yung mga buntot nila. Parang sinasabi nilang, “good morning master!! Penge ng tinapay o dog biskwit!”

At yung pinakamaganda sa umaga sa probinsya: ang mag-almusal kasama ang pamilya. Bukod sa excuse ako sa gawaing bahay, napapangiti ako kapag magkasama kami lahat. Mararamdaman mo kasi yung sense of belongingness. Naks!

Umaga talaga, binibigyan ka talaga ng pag-asa.

Kumusta umaga mo? Sige, log out na ako, ubos na kape ko at mag-dedegamo pa ako!

2 comments:

  1. earlzky said...

    wow... ganda talaga paggumising kasama ang pamilya... ikanga nga nila maam.. ¨pamahaw especial¨ wee.... hehehe

    January 30, 2011 at 11:43 PM  

  2. Jennifer Rose said...

    hay!kalami saimong blog today,Ateh.Gaka-feel gyud nako ang serenity :)

    January 31, 2011 at 5:27 PM  

Post a Comment